CHAPTER TWO

46 3 0
                                    

BOTPK: Chapter Two.

RED.

Bandang 7PM na ng gabi nang maalimpungatan ako sa ingay na nanggagaling mula sa aking pinto. Kumakatok si Trixie. I guess handa na ang dinner at pinapatawag na ako ni dad para sumalo sa pagkain.

Napansin kong naroon pa rin ang libro na kinuha ko at nakapatong iyon sa aking tabi na nasa ibabaw ng gusot na grey cover ng aking kama.

Tumingin muna ako sa pinto at nagpakawala ng isang hinga na malalim pa sa Pacific ocean bago sumagot. "Pasok na, bukas yan."

Pumasok si Trixie sa kwarto ko at dahan dahan na lumapit sa aking kama at umupo. Napansin niya na naroon sa tabi ko ang libro na binili para sa akin ni mama. Bahagya siyang ngumiti at nagsalita.

"Namimiss mo ba kuya si mama?" Bakas sa boses niya ang kalungkutan nang banggitin iyon.

Tumango ako. Yes, miss na miss ko na si mama. Sobra.

Bumuntong hininga siya. "I miss her too kuya— Kuya tara na sa baba. Kakain na sabi ni daddy."

"Oo susunod na ako." Yun ang tangi kong naisagot at umalis na siya palabas ng aking kwarto.

Our family is supposed to be happy sa oras na ito. Pero wala si mama. Apektado lahat kami sa nangyari kahit apat na taon na ang nakakalipas. Sariwa pa rin sa amin ang nangyari. Sariwa pa ang alaala. Sariwa pa ang sakit na dulot ng pagkawala ni mommy.

Marahan kong inayos ang cover ng aking kama, tsaka tumayo at inilagay ang pulang libro sa ibabaw ng book shelf. Hindi ko na iyon ibinalik sa mismong parte kung saan ko ito kinuha.

Something is weird about that book. I could feel it nung una pa lang.

Bumaba na ako at pumunta sa hapag kainan. Medyo marami ang nakahanda sa dining table. Medyo dim-light ang presensya ng ilaw na nanggagaling mula sa aming mini chandelier.

Hindi kami mayaman. Normal lang ang estado namin sa buhay. May kaya ba. Parang ganon. Pero may chandelier kami. Lupit.

Bahagya akong ngumiti nang makita kong hinihintay ako ni Trixie at Dad sa table. Lumapit na ako at umupo sa upuan na katapat ni Trixie.

Nagdasal muna kami bago kumain. Palagi namin itong ginagawa bago pagsaluhan ang nakahain na biyaya. Actually, hindi ako makaDiyos o kung ano pa man. Pero hangga't maaari ginagawa ko na maging maayos ang pagdadasal ko sa tuwing kakain kami.

To thank God for all this blessings.

Pinilit kong kainin ang nakahandang pagkain sa harap ko kahit simula pa lang ay wala na akong gana. Ayaw kong madisappoint si dad kung sasabihin kong hindi ko gusto kumain ngayong gabi.

I want the old man to feel better. Bakas pa rin sa mukha naming lahat ang sakit. Pero kung tutuusin ay masarap magluto si papa. Lalo na itong sinigang na baboy na ngayon ay ulam namin.

Kaunti lamang ang nakain ko ngayong gabi at napansin iyon ni dad. Kadalasan ay pag ganito ang nakahain na pagkain ay bumubulos pa ako ng kanin. Pero iba ang pakiramdam ko. Ganito ako pag naaalala ko si mama. Parang sinasakop ako ng lungkot at ganito ang nagiging resulta. Para bang nadedepress ako. Or, eksaktong nadedepressed na talaga ako.

Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at nagtungo sa kusina para kumuha ng inumin. Uminom muna ako tsaka ko kinuha ang mismong lalagyan ng tubig at inilagay ito sa dining table. Nagpasalamat si dad.

Is it just me or sadyang walang kasaya saya ang buhay ko pag bakasyon?

"Dad, balik na po ako sa kwarto ko. Medyo masama po ang pakiramdam ko e." Hindi naman nahalata ni dad na gumawa lang ako ng dahilan.

BATTLE OF THE PAGELING KINGDOMSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora