CHAPTER SIXTEEN

13 3 0
                                    

BOTPK: Chapter Sixteen.

         Lunch time na pero di ko pa rin nakikita si Shane. Nasan na kaya siya? Di siya kasama nung tatlo mula pa kanina and I'm starting to get worried.

       Pansin ko ang mga mata na nakatingin sa akin sa bawat lugar na pinupuntahan ko. Mukhang dahil iyon ng sinabi ko kanina. Well, I got my point there. Tama naman ang opinyon ko kahit saang banda tingnan. Di dapat basta basta aatake.

        Di pa ako nakakakain nang maisipan ko kung nasan si Shane. Maybe she's at the shed. Iyon ang kutob ko kung saan siya naroon ngayon.

         Pumunta ako sa dining Hall para kumuha ng pagkain. I bet Shane is there at malamang gutom na siya.

          Isang tagapagsilbi ang naroon at nakita kong nag aayos ng mga pagkain. Maraming tao sa dining hall ngayon. Sabagay, tanghalian na naman nga at katatapos lang ng training at magpapatuloy iyon ng hapon.

           Nang nakita kong di na busy yung tagapag ayos ng mga pagkain, nagtanong ako kung merong basket doon at nagpakiusap ako na kung pwede ay lagyan iyon ng pagkain na para sa dalawa. Hindi na nagtanong ang taong pinakiusapan ko roon at ginawa ang pakiusap ko. Mabuti na lang at mabait ang mga tao dito.

          Kinuha ko ang basket at tsaka nagpasalamat. Umalis ako kaagad para puntahan ang lumang shed para tingnan kung naroon si Shane.

           Nang naroon na ako, di ako nagkamali. Naroon siya. Maybe ayos din naman pala ang araw na ito. Makakasabay ko siya kumain.

          Nakatalikod siya sa mismong kinatatayuan ko at nakatingin na naman sa tanawin. Hindi mainit ang pakiramdam ng sinag ng araw kahit na gawa lang sa yero ang bubong ng shed na ito.

          I don't want to disturb her pero sa tingin ko ay kanina pa siya dito at malamang hindi pa siya kumakain. Hindi dapat niya pinapabayaan ang sarili niya. Lalo na't malapit na ang giyera.

          Nakatingin siya sa malayo gaya ng una ko siyang makita sa lugar na ito. Mukhang mas malalim ang iniisip niya kaysa dati. Dinig niya dapat ang yabag ng aking mga paa habang ako'y papalapit sa kanya ngunit ni-hindi siya lumingon para makitang may tao na papalapit.

          Inilagay ko ang basket sa tabihan ng upuan bago ako umupo. Hindi ko alam kung guguluhin ko ang malalim niyang pag iisip. Pero mayamaya pa lang ay lumingon na siya sa akin at bahagyang ngumiti.

"Narito ka pala. Bakit di ka nagsasalita kanina pa?" Nagtatakang tanong niya. Tumayo siya at papalapit sa kinauupuan ko para doon umupo.

"Eh wala lang, ayaw ko lang abalahin ang pag iisip mo diyan. Mukhang malalim e. Di pa naman ako marunong lumangoy." Pagbibiro ko. Her smile was so beautiful. It was better than before.

"Joker. Bakit ka pala pumunta dito?" Tanong niya habang palipat lipat ang tingin sa basket na nasa gilid ko at sa akin mismo.

"Well, baka kasi gutom ka na kaya dinalhan na kita ng lunch. Wag ka kasi magpagutom. Baka magkasakit ka nyan. Pati wala ka sa Arena kanina, naisip ko na narito ka."

        Her face was lightened up after I said that. It seems like walang gumagawa ng ganito para sa kanya and its my pleasure to be the first one to do this for her.

"Medyo nagugutom na nga ako. By the way, salamat ha. For this."

"Wala yon. Anytime na magutom ka, dadalhan kita ng makakain." Biro ko sa kanya. Nag eenjoy naman siyang kausap ako. Mabuti kung ganon. Pero natatakot ako sa ginagawa ko ngayon. I'm really emotionally attached to her.

"And how will you know na nagugutom ako, aber?"

Oo nga no. Hindi ko naisip agad yon pero mabilis akong nakaisip ng ideya.

BATTLE OF THE PAGELING KINGDOMSWhere stories live. Discover now