CHAPTER FOURTEEN

8 3 0
                                    

BOTPK: Chapter Fourteen.

       Nasa loob na ako ng Medic Room nang ako ay magising. Nakita kong naroon ang apat at nakaupo sa isang mahabang upuan. Tulog silang apat doon. Buti na lang at mayroong lamesa sa harap na upuan na iyon at doon sila nakaub-ob maliban kay Kyle na nakatingala at nakanganga habang natutulog. Ang akala ko talaga sa mga libro ko lang nababasa ang ganitong sitwasyon. Pero may mali e. Ako yung nakahiga at nahimatay. Ang common kong nababasa na ganito ay sa babae nangyayari ito. I'm such a dork.

       Hinintay ko na lang na may magising sa kanila para itanong kung anong nangyari at papaano ako nakarating dito. Maya maya ay nagising si Shane. Bakit siya pa. Pwede naman si Charisse o yung dalawa.

"Hey. Gising ka na pala." Yun na agad ang paunang bati niya sa akin. "Okay ka na?"

I silently nodded. Concern ba siya o ano?

"Anong nangyari? Paano ako napapunta dito?"

"Nawalan ka ng malay. Nakita ka raw nina Troy na nakahiga sa daan at walang malay. At sinabi nila na meron silang nakitang matandang babae na malapit sayo."

Wait. Inalala ko ang huling pangyayari bago ako mawalan ng malay. Yeah, meron ngang matandang babae doon at may sinabi sa akin.

"Tapos ano pa ang nangyari?" Sunod kong tanong.

"Nasense yung babae ng kingdom at nagset ng malawakang alarm kasi intruder daw yung babae. Nagshadow cast si Troy sa babaeng iyon pero agad na neutralize ang mga atake ni Troy. No one has ever done that. They said she's from the Necro Kingdom. At malakas siya. I think she is after you Zac. They thought it too."

      They? Siguro naman hindi. Edi dapat kinuha na niya ako kung gusto niya ako makuha.

       Di ko namalayan na gising na rin yung tatlo at nakikinig na rin.

"Hindi naman siguro. Why would she do that?"

"Dahil power absorber ka, isa ka sa target nila sa nalalapit na War. Pero di pa sigurado. Mag ingat ka Zac. Delikado na sa lahat ng lugar. Kahit dito sa loob ng Kingdom. Maaari ka nilang gamitin gamit ang mind control. Mahihirapan kami pag napunta ka sa kanila."

       Bakit ba araw araw ay pagulo na lang ng pagulo ang mga nangyayari dito. First, I found out na dito ako nanggaling. Second, nalaman kong we are Royals. Third, may powers ako. Fourth, feeling ko ako ang tinutukoy ni Shane. Then fifth, target na ako ng isa pang kingdom. Madali akong mamamatay nito pag ganito ng ganito ang mangyayari.

        Masyado ng intense ang usapan kaya iniba ko na. "Kailan pa ako dito?"

"Two weeks." Sabi ni Kyle.

"Ha? Two weeks na ako dito!?" Nagulat ako sa narinig ko. Imposibleng two weeks na agad yon.

        Hinampas ni Charisse si Kyle sa braso niya para magseryoso sa kanyang sagot.

"Joke lang bro, two days pa lang." Bawi ni Kyle.
"Ano ba talaga ang nangyari?"

Nakahinga ako ng maluwag. Ang akala ko ay two weeks na talaga ako dito. Maniniwala na sana ako e. "May sinabi sa akin yung babae." Mahinang sagot ko.

Babangon na sana ako pero pinagbawalan pa ako ni Charisse.

"Wag ka muna bumangon. Ang sabi ay bukas ka pa makakalabas. Mahina pa ang katawan mo. So magpahinga ka muna okay?" Sabi ni Charisse.

       I just nodded. Hindi ko na pinilit bumangon kung ganon pala ang bilin. Pero mahina pa nga talaga ang katawan ko at di ko pa kaya.

"What did she tell you?" Pahabol na tanong ni Kyle.

"I don't even understand her. Ang sabi niya wag ko raw hahayaan na napunta ang buhay ko sa iba, yun daw ang makakapagpabagsak ng kingdom."

         Di ko alam kung nagmalasakit ba talaga sakin ang matandang babae o isa iyong paalala na kailangan ko na talaga mag ingat palagi.

         Hindi na nagkumento sina Shane sa huli kong sinabi kasi yun na rin naman ang meaning ng sinabing iyon. Pero sa tingin ko may malalim pa iyong ibig sabihin kasabay ng gusumot na papel.

"Zac, is it okay kung maiwan ka muna namin? Nagugutom na kasi itong dalawa." Sabi ni Charisse. She is talking about Troy and Kyle.

"Sure."

Okay lang naman ako dito. Sana'y na naman akong iniiwan at maging isolated. Pero hindi pala, kasi parang magpapaiwan si Shane.

"Shane, ikaw? Di ka ba sasama sa amin?" Tanong ni Kyle na naroon na agad sa pinto.

"Later. Mamaya na ako. Di pa naman ako nagugutom." Nakaupo pa rin si Shane sa upuan nila kanina. Pero lumapit ito sa aking higaan at doon umupo nang makaalis na sina Charisse.

        Naguguluhan na talaga ako sa ikinikilos niya ngayon. Ano ba talaga siya? Bipolar ata. Madalas magalit pero minsan concern at mabait.

         Nang umalis na sila tsaka ko tinanong si Shane. "Baka nagugutom ka na talaga ha? "

"Nope. Hindi nga. Sigurado ka bang okay ka na?" Paninigurado niya sa akin.

"Medyo okay na. Nahihilo lang ako." Medyo umupo na lang ako sa higaan. Mas nahihilo ako pag nakahiga. Tiningnan ko siya. Tiningnan niya rin ako. Pero siya ang unang nagreact.

"What?" Nagtatakang tanong niya.

"You're beautiful." Natatawang sabi ko. Nakita kong namula ang kanyang pisngi at umiwas ng tingin.

"Di ah." Sabi niya at tila natatawa rin.

"Seriously, ang ganda mo. Lalo na pag nakangiti ka palagi." Tiningnan ko ang paligid. Wala masyadong gamit dito sa kwartong ito. May dalawang mahabang upuan lang at isang lamesa. Isang kama at may bintana na malapit lang dito.

"Malabo na yata ang paningin mo." Tapos kinurot niya ako. Medyo masakit pero okay lang.

         Nabigla ako sa ginawa ko. Automatic na humawak ang kamay ko sa kamay niya. Bigla kong binawi ang kamay ko at ganun din siya.

"Sorry." Agad kong sinabi sa kanya.

"Okay lang." Mas namula siya sa ginawa ko. Medyo nakaramdam din ako ng hiya. Zac, you're a jerk. Magnet ang kamay ko. Bakal ang kanya. Perfect.

"Bukas, okay lang ba na yayain kita kumain?" Nag aalangan ako sa pagtatanong ko sa kanya. Nahihiya ako pero itinanong ko pa rin. I think asking her out isn't a good idea.

"Ahhh--ehh. Sige?" Siya pala ang di sigurado. Pero I think its a yes. I guess.

"So pwede ka bukas?"

"I guess so. Kung walang training, pwede." Medyo hindi na siya naiilang. Its quite confusing pagdating sa babae kasi paiba iba sila ng isip.

        Tumayo na siya. Bahagyang ngumiti. "Una na ako ha? Medyo gutom na pala ako."

         Sinabi na e. Gutom na siya kanina pa. Ayaw lang niya aminin na gutom na siya.

"Ingat ka." Nagpaalam na siya at lumabas na ng pinto. Ano ba tong nararamdaman ko.

        I guess I'll be dating this bed for the whole day. Pero okay lamang naman ako dito.

         I played my power inside the room pero iniiwasan kong magkaroon ng damages ang kwarto. And it turned out so — just fine.

          Nasunog ko ang kama. Napatayo ako para alisin ang apoy pero lumala ito. Great. I'm so busted here. Lagot ako nito.

•••
Author's Note:
Anyare sa kamay ni Zac? Automatic nga naman daw e. LOL. Such a trouble-maker.

Keep on reading. Pakivote naman po ng bawat chapters. Papasko niyo na :)
Thanks.

•••
Wattpad: @charlescxz

BATTLE OF THE PAGELING KINGDOMSWhere stories live. Discover now