Choose for love
1 year and 9 months and 13 days ago...
"San ka ba pupunta ha Alyssa?" Tumatakbong tanong ni Dennise. "Kay Kiefer nanaman ba?"
"Oo!" Sabi ni Alyssa habang mabilis na nag lalakad. Umiiyak padin ito. Dalawang araw na ang lumipas simula nong nakipag hiwalay si Kiefer pero araw araw padin bumabalik si Alyssa sa dorm nila pero tinataguan lang siya nito. Masakit, pero mas masakit naman kung hindi niya pinaglaban ang taong mahal niya.
"Alyssa ilang beses ba naming sasabihin sayo na ayaw na niya? Ly tigil na!" Habol pa ni Dennise.
Naiiyak na din si Dennise sa nakikita niya na ganito ka miserable. Sobrang nasasaktan din siya dahil parang patay ang Alyssa na kasama nila ngayon. Gusto niya magalit kay Kiefer pero tapos na eh. Galit siya doon pero wala naman magagawa ang galit niya eh. Kahit gusto niyang sugudin si Kiefer at pagmumurahin at pagsasampalin pero mas gusto niyang maging okay ang bestfriend niya. Masakit makitang ganyan si Alyssa.
"At ilang beses ko bang sasabihin sainyo na mahal ko siya!" Tumigil si Alyssa at napahagulgul nanaman. Nahabol na siya ni Dennise at niyakap ito. "Siya kasi ang kailangan ko Dennise..siya lang.."
"Hindi pwede. Hindi mo na pwede pilitin yung taong ayaw na, he doesn't love you anymore." Dennise tried to convince her.
"No," pumiglas siya sa yakap. "Baka mabago ko isip niya, kakausapin ko ulit siya." Sabi nito at naglakad ulit.
Walang nagawa si Dennise kung hindi sumunod nalang dito, kahit naman kasi pigilan niya ito wala siyang magagawa dahil mag isa lang siya para pumigil dito at panigurado hindi nanaman ito kakain at magiiyak nanaman to.
Gusto niyang tulungan si Alyssa pero pano? Tulungang makipagbalikan kay Kiefer? Kung alam niya talagang may babalikan si Alyssa. Oo sige, tutulungan niya. Kaso ang problema, ayaw na nong isa. Kung tutulungan niya lang, masasaktan lang ang bestfriend niya.
"Asan si Kiefer?" Bungad ni Alyssa sa mga tao sa dorm ni Kiefer.
Nagulat si Dennise na andon si Rex at Sumang. "Kiefer is not here, Ly." Rex said.
Tumingin si Alyssa sakanya, "Pati ba naman ikaw Rex? Pagtatakpan mo si Kiefer." Nanlulumong sabi nito.
Naawa si Rex sa kaibigan maging si Sumang na nakatayo sa gilid ni Rex, "Im not defending him. Andito ako para kausapin yung lalaking yun, but he's not here."
"You're lying!" Sabi nito at tumingin sa taas kung saan andoon ang kwarto ni Kiefer. "Kiefer! Talk to me!"
"Alyssa, sabing wala nga si Kiefer diyan eh." Rex said.
Tumingin si Alyssa kay Rex, "Why do you have to lie? Rex maawa ka, palabasin mo naman siya oh."
"Alyssa you're being paranoid! Wala dito si Kiefer diba? Tumigil na, umuwi na tayo." Sabi ni Dennise.
"Wala siya dito sabi eh. Kung gusto mo siya puntahan, halika sasamahan kita sakanila." Sabi ni Rex.
"Rex! Bakit mo naman sinabi yun? Uuwi na kami." Dennise said.
Hindi na nag salita si Alyssa pero sumakay na ito sa kotse ni Rex at doon umiyak na hinintay sila Rex na pumasok sa kotse.
"Naawa ako sa kaibigan natin. Hayaan natin siya, mapapagod din naman yan basta andito lang tayo para sakanya." Sabi ni Rex kay Dennise at pinagbuksan ng pintuan si Dennise.
