Chapter 33

3K 110 14
                                    

Hindi ka naman pala tanga

Dumilat ako at nakita kong malaki padin ang mata niya at parang nagulat sa siya sa pagdilat ko.

Dahan-dahan akong tumayo. Alam kong pag nakatayo siya maari niyang makita yung poster at standee at masasayang lang ang lahat nang pagpapatihulog ko dito.

Nagisip ako nang mabilis kung pano hindi niya makikita yon.

Tumayo ako dahan dahan at kunwari nasaktan. "Ah! Crap." Arte ko.

Agad na tumayo si Alyssa at dinaluhan ako. Hinawakan ko ang kamay ko na kunwaring masakit. "What happened?" Tanong niya. Nakita niya ang hawak hawak kong kamay na sakto yung may hiwa galing sa pagsuntok ko sa kotse ko noon. "Gosh yung sugat mo."

"Okay lang ako Alyssa." Sabi ko sakanya. Hindi ko maalis ang titig ko sa kanya. Damn! She is still hot and beautiful Alyssa i love!

I looked at her she is busy checking my hand. My world stopped when she held my hand and looking so concerned because of me. I wish i can turn back time to be with her again, no hesitations, no what ifs, not being scared, just love. Pure love.

And i cant wait that to happen. Again..

"Kiefer, gusto mo ba tawagin ko saglit si Dennise to check your hand?" Tanong niya sakin na siyang nag pa-gising sa pagkatulala ko. Hindi na ako nakasagot kasi nakatakbo na siya palabas para tawagin si Dennise.

Agad akong tumayo para sana italikod ang mga standee na iyon at punitin ang mga poster na yon. Pero hinarangan nanaman ako nang mga babaeng ito na ang laki nang ngiti.

"Ano? Umalis kayo diyan baka dumating ulit siya!" Medyo mahina kong sigaw sakanila pero di padin sila umalis.

Ngumiti nang malaki si Laura. "One of your tactic ha, still the old phenom." Sabi ni Laura at umakto pang kinikilig.

"Hindi yon tactic. Kailangan ko yung gawin para hindi niya makita yang mga yan." Sabi ko at itunuro ang mga nasa likod nila na kanina ay pinag-guguluhan nila.

Inusog ko sila nang literal para maitalikod ko ang mga standee na iyon at para mapunit ang mga poster na napaskil sa pader.

"Kiefer." Narinig ko ulit ang boses ni Alyssa.

Bago ko balingan si Alyssa ay tinitigan ko ang mga babaeng to. "Mamaya kayo talaga lahat sakin." Bulong ko sakanila pero dinilaan lang nila ako.

Umirap ako sa kawalan sa sobrang kulit nila. Hindi ko alam bakit ako pumayag na sumama sa bakasyon na to kung wala pa kami sa Ilocos ay ganito na ang nangyayare? Dahil alam ko lahat to plinano nila Ella!

Yung bubwit na Ellang yon nakangiti pa sakin nang dumating sila kasama si Dennise at Alyssa. Mamaya talaga kayo sakin tignan niyo may tama kayong lahat sakin.

"What happened?" Dennise asked me but i can see her hiding her smile na parang alam na niya ang nangyare. Sabi na eh, plinano talaga to.

"I told you he turned around then he slipped his foot. Tapos natukod niya ang kamay niya para hindi ako madaganan. And..and..besh! Nagdudugo nanaman kamay niya!" Nag-papanic na sabi ni Alyssa.

Tinignan ko ang kamay ko. Its really bleeding pero wala lang yon sakin.

Tinignan ni Dennise ang kamay ko pero mas naunang nahawakan ni Alyssa ang kamay ko. Nanlamig ako. "Wala pa namang first aid dito sa 7-eleven." Ramdam ko ang frustration sa boses ni Alyssa. "Does anyone here have hanky i think we need to cover his hand para mag stop yung pag pump ng blood." Alyssa asked.

Secret Love SongWhere stories live. Discover now