Chapter 27

3.2K 103 4
                                    

Nagtiis na

"Siguro naman naiintindihan mo kung bakit ganon nalang din ang desisyon nila Mama, Kiefer." Kausap ko ngayon ang kuya ni Alyssa na si Kuya Nicko.

Dalawang araw mula nang pinakusapan ako ng mga kaibigan namin ni Alyssa na wag ko muna daw sabihin kay Alyssa ang lahat. Hindi lang naman din ako ang pinakiusapan  nila. Pati ang mga tao, fans, ni Alyssa dahil sikat siya siguradong usap usapan si Alyssa. Nag pa-presscon kami nila Dennise at iba pang mga kaibigan namin na inaannounce ang naging kalagayan ni Alyssa. Napilitan silang ikuwento ang lahat para lubusan nilang maintindihan ng mga tao ang nangyare talaga.

Sinabi din nila na ako yung taong nakalimutan ni Alyssa.

Marami ang nagulat, marami ang natuwa dahil hindi daw kami natakot na ilahad ang kwento ng Phenom. Maraming umiyak na tulad ko. Dahil nakakaiyak naman talaga.

Tumango ako. "Oo naman, Kuya."

Umupo siya sa bench doon. "Siguro, para hindi mag duda sayo si Alyssa dahil lagi ka daw nandito sabi niya. Hindi naman niya alam kung bakit, at sabi din daw yun nagiging dahilan nang pananakit ng ulo ni Alyssa. Bro, you know how much Ne means to me. Gagawin ko din ang lahat para maging maayos siya." Kahit di ako sang ayon ay tumango nalang ako. "At alam kong ganun ka din."

Ganun din ba ako? Mahal ko si Alyssa at handa akong gawin ang lahat para maging maayos siya pero kasama ba talaga sa lahat yung hindi siya dalawin?

"Oo naman. Oo naman." Sabi ko.

"Dapat talaga binanggit niyo sa media yung pangalan ng nag set up sayo eh! Tanginang Jeron yun." Her brother was mad too.

Gusto ko ding magalit sakanya. Gusto kong isisi sakanya ang lahat. Gusto ko siyang bugbugin. Gusto kong iganti ang relasyon namin ni Alyssa. Gusto ko ding sabihin sa mga tao na si Jeron ang dahilan ng lahat! Pero ano pang silbi nang ipaglaban ko ang nangyare kay Alyssa, sakin, samin pero ano pang silbi non? Kung yung taong gusto kong malinis ang tingin sakin ay nakalimot na?

Parang bumabalik lang ulit sa lahat ang dati. Parang gumuguho ang mundo ko.

Kasi kahit anong sabihin ko at gawin kong pagsisi kay Jeron. Alam kong kasalanan ko din.

"Sige na, pasok muna ako sa loob." Rinig kong paalam ni Kuya Nicko.

Hindi ko alam ang naging sagot ko sakanya kasi bigla siyang pumasok. Iniisip ko palang ang mga mangyayare sa mga susunod na linggo nanghihina na ang buong sistema ko.

"Alam mo kailangan mo nang umuwi." Sabi ni Gretchen na kanina pa nasa tabi ko.

Si Gretchen yung naging daan ko para magkaron ako ng dahilan para mabisita si Alyssa araw araw. Sabi namin na kababata ko si Gretchen kaya ganun nalang kung samahan ko si Gretchen kahit san siya pumunta. Kilig na kilig siya kasi sabi niya baka kami pa daw ang mag katuluyan.

Pero ang totoo, ganun nalang ako mag sinungaling para hindi siya masaktan.

Tinignan ko si Gretchen. "Samahan moko? Papaalam lang ako sa loob." Tumayo na ako .

Pumasok kami sa loob at naabutan doon ang pamilya ni Alyssa. Si Ella na nakikitawa na malay ko kung ano ang pinaguusapan nila.

"Oh iho--ay Kiefer! Andito ka pa pala." Sabi sakin ni Tita.

Ngumiti ako. "Mauuna na po ako tita." Paalam ko sakanya wala kasi ang Daddy ni Alyssa dahil may inaasikaso sa Batangas.

"Tita?" Napatingin ako ng mabilis kay Alyssa. Nakataas ang kilay niya na parang takang taka.

Secret Love SongDonde viven las historias. Descúbrelo ahora