12

5.3K 76 1
                                    

Ice

Maaga akong nagising dahil wala lang hindi ko alam. Iniisip ko parin kung bakit ko ba sinabi yun kay Danica. Pati rin ako ay nabigla saking sinabi paano pa kaya siya? Hay Ice ang g*go mo talaga. Nasa balkonahe lang ako at nagpapahangin, tinignan ko ang balkonahe ni Danica naaalala ko yung kagabi nung akala niya na minumulto siya.Tss she's crazy.

Pumasok na ako sa loob dahil mag-uumaga na. Dumiretso ako sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako at nag lakad-lakad sa dalampasigan. After ng ilang minutes ay nag text na si Ivan na mag-aalmusal na daw so bumalik na ako.

Nang makarating nako sa loob ay kompleto na sila. Umupo nako at kaharap ko pala si Danica. Tahimik lang siyang kumakain, habang sila Dhea ay maingay na nag uusap. Minsan-minsan ay tinatanong nila si Danica sumasagot naman ito pero isang sagot lang siya o di kaya tumatango lang ito. Hindi ko maiwasan na mapansin na medyo namamaga yung mga mata niya. Umiyak ba siya? Malamang Ice! Sino ba naman ang matutuwa na sabihang "nakakadiri"?

Danica

Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kagabi. Sakit. Yan yung nararamdaman ko ngayon. Alam ko naman na hindi ako gusto ni Ice pero sana man lang di niya sinabi na nakakadiri ako. Hindi niya alam kung gaano ka sakit na sabihan ka ng ganoon ng taong mahalaga sayo.

Nasa kusina na kami para sa umagahan. Hindi ko nakita si Ice, hindi pa siguro siya gising mabuti nga yun para hindi ko makita yung muka niya. Naaalala ko kasi yung mga nangyari kagabi. At tuwing naaalala ko ito sumisikip yung dibdib ko para bang gusto kung umiyak ngunit para saan pa? Bakit kung ako ba iiyak mamahalin din niya ko? HINDI.

Biglang dumating si Ice galing yata sa labas. Wala siyang ibang mauupuan kundi sa harap ko. Sinikap kung hindi tumingin sa kanya dahil kung titingin ako baka bigla akong mag breakdown. Nararamdaman ko naman na parang sumusulyap siya sakin kaya ang awkward kumain. Tinatago ko rin ang namamaga kong mata. Sino bang hindi mamaga yung mata kung iyak ka ng iyak tapos hindi ka pa makatulog? Aber?

"Danica hiking tayo." Masayang sabi ni Dhea

"Sige." Maikli kong sagot.

Marami pa silang pinag-usapan nakikinig lang ako sa kanila, kung tatanongin ay sumasagot naman ako pero mafe-feel mo talaga na wala ako sa mood na magsalita. Isang tanong, isang sagot. Yan ako kapag kausap mo ngayon.

That was the longest breakfast I experienced. Nakakaloka. Pumasok nako sa room at nagbihis para sa hiking 'daw' namin. Nagdala na din ako ng mga extrang damit at basta yung mga gamit na dadalhin kapag naghihiking.

"Anica tara na."

"Yes. Coming." Pinasok kuna yung last na damit at lumabas.

Nang lumabas na ako ay may nakita akong isang babae na kasama ni Ice. Sino kaya siya?

"Anica tara na! Wait ito nga pala si Isabel childhood friend ni Ice, gusto niya daw sumama. Ok lang ba?" Tanong ni Aly.

"Ha? Ok lang naman. Bakit naman hindi?"

"Yea. Why you should ask sa kanya? Si baby Ice lang naman nag pasama sakin. Why we should ask her pa?" Sabay turo sakin. Ay! Ang conyo niya. Tapos yung voice pa niya nakakairita.(pina conyo.) Tss -.-

"Paki mo?" Mataray na sabi ni Dhea.

"Baby Ice oh she's shouting sa akin."

Lumakad nalang kami at iniwan sila Ice at Isabel doon. Nakakabwisit na tao. Ang arte-arte bwisiiit.

"Baby Ice oh. Baby Ice oh." Panggagaya ni Dhea. Nagtawanan naman kami.

"Hoy Dhea wag ka ngang shunga diyan. Nakakaloka."

"Eh nakakabwisit eh. Ikaw Anica bakit pumayag ka na sumama yung konyong babaeng yun?!"

"Kung hindi ako pumayag, sasama parin yun."

Lumabas na kami ng resort at naglakad papuntang bundok. Si Ian nag text siya na baka hindi na siya makabalik kasi busy daw sila sa wedding nila. Siguro pumayag na lang si Ian dahil wala naman siyang magagawa dahil utos ito ng papa niya.

Medyo malayo-layo na rin ang nalakad namin nakaapas naman sila Ice at Isabel. Naramdaman na namin ang pagod kaya nagpahinga muna kami sa ilalim ng malaking puno. Ang ingay-ingay ni Isabel bakit ba daw ang init, sobrang nakakapagod daw. Eh kung hindi nalang kaya siya sumama. Ang arte-arte. Kala mo kung sinong maganda. -.-

"Anica anyare sayo? Bakit ka nakahiga diyan?"

"Nakakapagod kaya." Nakahiga kasi ako sa damuhan. Hindi naman marumi. Eh kung marumi di nalang ako hihiga.

"Hoy Ivan tigilan mo nga yan."

"Ito naman di na mabiro."

"Di mabiro. Ikaw kaya lagyan ko ng damo?! Bwisit."

"Meron kaba Anica?"

"Wala."

"Wala? Buntis ka? Sinong ama?"

"Oo buntis ako. Si Bo-gum yung ama." Sarcastic kung sagot -.-

"Weeee?"

"Tss."

"Your pregnant? How?" Maarteng tanong ni Isabel

"Anong how? Edi nag makelove kami. Duh?"

Hindi ko na kinausap yung babaeng yun. Nakakastreesss. 😒 Nagsimula na naman kami ng paglalakad. Medyo dumidilim na at nagsisimula nang umulan.

"Dhea may masisilungan ba tayo?"

"Meron pero nandoon pa sa unahan. Bilisan nalang natin ng lakad."

Binilisan naman namin ang palakad. Luma-lakas na yung ulan. Bakit ba umulan maganda naman ang panahon kanina ah? Narating na namin ang sinasabi ni Dhea. Saktong pagtungtung namin sa bahay ay bumuhos na ang malakas na ulan.

"Hay salamat. Drake nasan jacket mo?"

"Bakit babe?"

"Giniginaw ako." Kinuha naman ni Drake yung jacket niya na nasa bag at pinasuot kay Aly. How sweeeeet 😳

"Dhea may kwarto ba dito?"

"Meron kaso,















wala akong susi." Nag peace sign naman si Dhea. 😓✌

--

#BeingSnob

Being Snob (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن