27

4.9K 53 0
                                    

AFTER TWO YEARS

Danica

"Kuya Zac wag malikot."

"Mama she's touching me." Nakasimangot na tugon ni Zac binibihisan kasi siya.

"Zac behave."

"But ma-"

"Kuya follow nalang kay mama." Icy

Natapos na silang bihisan kaya bumaba na kami. Pupunta kasi kami sa wedding anniversary nila Ian.

"Hubby nasaan si Gabby?" Gabby Heluxus bunso namin.

"Natutulog pa."

Pinuntahan ko naman ito sa kwarto na mahimbing na natutulog. Kinarga ko naman siya.

"Hubby kunin mo muna yung damit niya, bibihisan ko siya."

"Ito na." Hiniga ko naman muli si Gabby at maingat na binihisan.

"Mama done na po kami. Hello baby." Kiniss naman ni Icy ang tungki ng ilong ng kapatid niya.

"Sige susunod na kami ni Gabby hintay nalang kayo sa baba ha."

"Okay po mama."

Matapos kung bihisan si Gabby ay chenek ko muna yung mga gamit niya tsaka bumaba.

"Nasaan papa niyo?"

"Nasa labas na po mama."

"Tara na. Hinihintay na tayo ng Ninong Ian mo." Tumayo naman ang kambal at magkahawak ang kamay na lumabas.

--

"Ian! Happy Anniversary sa inyo. Nasaan si Tiffany?"

"Nasa taas ayaw bumaba."

"Ha? Bakit naman?"

"Matutulog muna daw siya. Buntis eh."

"Intindihin mo na ganyan din si Danica noong pinagbubuntis niya si Gabby." Sabi naman ni Ice.

"Kain muna kayo."

"Hello tito Ian." Kumaway naman si Icy habang si Zac naman ay nagmano.

"Hello babies."

"May ice cream po ba?"

"Meron. Pakuha ka nalng kay manang dory ha."

"Okay po. Thank you." Tumakbo naman sila.

"Kuya wag damihin ang pagkain." Pahabol ni Ice sa mga anak.

"Okay papa." Sigaw naman ni Zac.

Pumunta na kami sa kusina at kumain hindi nag tagal ay dumating na din sila Aly at Dhea syempre kasama ang babies nila.

Naglalaro naman yung mga anak naman sa kwarto ng anak ni Ian. May baby na sila ni Tiffany si Kirby 4 years old. Ang cute din ng batang yun.

"Mam-ma."

"Oy gising na pala baby ko." Tinayo ko naman ito sa lap ko.

"Hello baby Gabby." Nilaro naman ni Ice yung kamay niya. Hagikhik lang si Gabby at tinaas yung kamay niya para kargahin ni Ice.

"Pa-pa." Pilit na tinuturuan ni Ice si baby Gabby.

"Mam-ma."

"Baby say pa-pa."

"Mam-maaaaa." Mahabang sabi ni Gabby.

"Baby papa naman."

"Hubby wag mo munang pilitin si baby."

"Eh wifey gusto kong tawagin niya ako."

"Pap-pa?" Tinignan ko naman si Gabby na parang nagtatanong kung anong kadramahan ang gingawa ng papa niya.

Ngumisi naman si Ice. Sus shunga talaga to.

"Mamaaaaa." I know its Icy.

Mabagal naman siyang bumaba sa hagdan habang umiiyak. Nilapitan ko naman ito. "Bakit ka umiiyak baby?"

"Inaway po ako ni Kit mama."

"Bakit baby?"

"Sabi niya hindi daw ako maganda. Mama hindi po yun totoo diba?" Sumisinghot naman ito.

"Sssh stop crying na baby. Nasaan kuya mo?"

"Nasa taas po inaaway si Kit."

Tumingin naman ako kay Dhea. Anak niya kasi si Kit.

"Ssh stop crying na Icy. Kakausapin ko si Kit ha." Pumunta naman si Icy sa papa niya. Umakyat na kami ni Dhea at pinuntahan yung mga bata.

"Kit! Say sorry to Icy. Ikaw ha inaaway mo na naman si Icy."

"Papansin kasi si kuya mama kaya inaaway niya si Ate Icy." Sabi naman ni Issa anak na bunso ni Dhea.

"Hindi no. Hindi ako magkakagusto don. Pangit kaya niya."

"Hindi nga kasi pangit kapatid ko. You alien." Zac

"I'm not alien."

Nilapitan ko naman si Zac." Stop it na kuya."

"Pero mama inaaway niya si Icy." Kiniss ko nalang ang ulo ni Zac.

"Kit say sorry kay Icy."

"Tss. Okay."

Bumaba naman kami kasama yung anak ni Aly na si Lyle. Nang makarating na kami sa baba ay nakita ko si Icy na naglalaro kay Gabby lumapit naman si Kit sa kanya at ng mapansin ni Icy si Kit ay bigla itong sumimangot.

"Sorry." Tumayo naman si Icy at nag cross arm.

"No. I'm not accepting your apology." Malditang sabi ni Icy.

"Edi wag."

"Kit" Matigas na sabi ni Ivan.

"Okay. Okay. I'm sorry Icy. That was just a joke. Your beautiful naman talaga. I'm just teasing you."

"Okay." Madaling magpatawad si Icy kaysa kay Zac. Hinug naman ni Icy si Kit wait namamalikmata ba ako? Biglang namula si Kit.

"Ate Icy kuya Kit likes you." Singit naman ni Issa.

"Issa!"

"What? Did I say something?" Nagtatakang tanong ni Issa.

"I don't like Icy."

"Tss. Sinabi mo kaya sakin na you like Ate Icy kasi maganda siya. Don't lie kuya sabi ni mama bad yon. Hala ka."

"Oyy si kuya."

"Mama stop it. Papa!" Tumawa lang si Ivan.

Nauwi lang sa asaran lahat. Gumising na din si Tiffany at humingi ng tawad kasi natulog daw siya. Okay lang naman yun. Dito na din kami kumain hanggang sa umuwi na kami kasi nakatulog na sila Gabby at ang kambal.

Nasa likod ang kambal at karga ko naman si Gabby na na gising kasi gusto ng gatas. Habang nasa byahe ay tinanong ko si Ice paano kung paglaki nila Icy at Kit ay magkatuluyan sila. Sabi niya okay lang naman kung saan masaya ang prinsesa natin susupportahan natin.

Kiniss ko naman siya sa pisngi dahil sa sinabi niya.

"I love you."

Tumingin naman siya akin at kumindat. "I love you more."

--
Kagagawan ito ng isang Yokai ⛄. Hahahaha. Yokai, yokai, one, two, three, four~🎶

#BeingSnob

Being Snob (Completed)Where stories live. Discover now