15

5.4K 75 1
                                    

Dhea

Ilang oras na. Hindi parin bumabalik si Anica. Nag-aalala na kami. Tinignan ko sa Aly na busy sa pagtawag sa kanya pero na ka off daw yung phone niya.

"Aly tigilan mo na ang pagtawag kay Anica. Nandito yung phone niya at saka lowbat." Sabi ni Dianne.

Sht saan ba yung babaeng yun. Nakakaloka.

"Ivan nasaan na si Anica?" Niiyak kung sabi. Nakakainis naman oh. Hormones tumigil ka. Sorry buntis. Yes I'm pregnant 2 weeks palang. Nakakainis nga eh sabi ko pagkatapos na ng kasal niya ako bubuntisin. Pero okay lang malapit naman din ang kasal.

"Ssh. Wag kangang umiyak. Baka ma-stress ka makakasama sa baby natin."

Anica nasaan ka na ba? Nag alala na kami sayo. Lord wala sanang nangyaring masama kay Anica pleasse. Mahina kung dasal.

Aly

Nasaan na ba si Anica? Kinakabahan na ako. Kanina pa yun umalis pagkatapos niyang kumain. Tapos ngayon malapit ng mag-gabi hindi parin bumabalik. Lord wag naman sana.

Naghihintay lang kami sa pagbalik ni Anica. Hindi talaga kami mapakali lalong lalo na si Dhea. Iniisip kasi niya na siya yung dahilan bakit umalis si Anica kanina. Tinignan ko naman si Ice mababakas na nagalala siya hindi niya lang pinapakita. Nasaan na ba kasi yang si Anica? Author saan mo siya dinala? Saang lupalop mo siya nilagay? Nakakainis ka. Ibalik mo nga si Anica! Naiiyak nako. Ayoko na. Author ibalik mo na si Anica pleeeassee. Tulongan niyo naman ako readers oh. Alam niya ba kung nasaan si Anica?

Danica

Nagising ako dahil sa ginaw. Nasaan ba ko? Tinignan ko yung paligid nasa may kubo pa pala ako. Sht mag-gagabi na kailangan ko ng bumalik ba nag-alala na sila sakin except kang Ice. -.-

Maganda rin pala dito kapag gabi makikita mo talaga ang lawak ng kalangitan tapos may mga bituin. Ang ganda~

Nakita ko sina Ivan na nasa labas, ano kaya ang ginagawa nila sa labas?

"Anica! Omygad. Thanks God nandito kana. Saan ka ba galing ha? Nag-alala kami sayo?" Naiiyak na sabi ni Dhea.

"Doon lang sa may palayan."

"Ano namang ginagawa mo doon? Eh gabi kana naka uwi."

"Ah wala nakatulog kasi ako. Hindi ko namalayan na gabi na pala."

Niyakap naman ako ni Dhea. Tapos pauli-ulit na nagsasabi ng 'thankyou Lord'. Pumasok na kami sa loob at niyakap naman ako ni Aly. Inexplain naman ni Dhea kay Aly kung saan ako nag punta at bakit ako ginabi.

Papunta na sana ako ng kusina ng masalubong ko si Ice. Walang emosyon na makikita sa mata niya. Sabi ko naba eh hindi mag-alala to. Lalagpasan ko na sana siya pero bigla niyang hinakawan yung braso ko.

"Sorry."

Tinignan ko naman siya sa mata "Ayan ka nanaman sa kaka-sorry mo. Tigilan mo nga yang pag so-sorry mo Ice! Bakit? kung magso-sorry ka ba mawawala yung sakit?! Ha?! Pa-asa karin noh? Kung uulitin mo naman na saktan ako sana sinabay mo nalang lahat! Para kung masaktan man ako isang sakitan lang hindi yung inu-unti-unti mo! Nakakapagod umiyak! Kung hindi mo naman talaga ako kayang mahalin, wag kang magpakita na importante ako sayo."

"Hindi kita pinapaasa. Ikaw yung umaasa. Walang paasa kung wlang umaasa. Mahilig ka kasi sa mga fairytale na mga story kaya binibigyan mo ng meaning yung mga pinaggagawa ko. Kaya wag kang assuming."

"Ganyan naman talaga kayong mga lalaki nagpapakita na concern, nag sasabi ng sweet words, pinapakilig kami. Pinapakita niyo talaga na importante kami para sainyo. Pero hindi pala! At kami namang mga babae binibigyan agad ng meaning yang pinaggagawa niyo! Ang tanga ko diba? Tanga na assuming pa. Dahil I came up into a conclusion na mahal mo rin ako. But I was wrong. So wrong. Sana hindi ako nagkagusto sayo. I wish I never met you. As in NEVER. MET. YOU!" Nahihirapan kung sabi pero nakaya ko paring sabihin yun lahat dahil kong hindi ko sinabi baka hindi kayanin ng puso ko. Pinupunasan ko yung luha ko pero napapalitan agad ng kasunod. Hindi ko na kaya. Ayoko na. Nasasaktan na ko. Walang emosyon niya akong tinignan bago umalis. Humagulgul na ako ng iyak. Biglang may yumakap naman sakin.

"Sssh Anica stop crying girl. Ayokong nakikita kang ganyan. Di ba malakas ka?" Si Aly. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit dahil kung hindi ko ginawa baka hindi ko kayanin.

"Aly ayoko na. Nasasaktan na ko. Ayoko ng ganito."

"Ssh. Kaya mo yan Anica. Nandito lang kami para sayo." Mas humigpit yung pagyakap ko sa kanya.

Uminom muna ako ng tubig bago kami bumalik sa sala ni Aly.

"Saan pupunta yung si Ice?" Tanong sakin ni Drake.

"Ewan ko. Bakit hindi mo tinanong?"

"Mukang galit eh."

"Tss. Siya pa yung may ganang magalit. Edi wow." Bulong ko na narinig naman ni Aly.

"Matutulog nako." Humiga na ko sa sahig na may banig. "Kumain ka muna Anica."

"Di na. Wala akong gana. Thank you nalang."

--
KINABUKASAN

"Anica gising na. Babalik na tayo sa resort."

"Owkay." Inaantok kung sabi. Inayos ko naman yung hinigaan ko at pinasok sa bag nila Ivan. Hay salamat babalik na kami.

Narating din namin ang labasan at sumakay na kami ni Van papunta sa resort. Medyo nagutom ako kaya kinain ko yung dala kong heavenly choco cake slice. Sa lahat ng kasama ko ito pa talaga? -.- Hulaan niyo sino katabi ko.


















Enggggk ✘ mali. Bag ang katabi ko. Kala niyo si Ice no. Tss matapos niya kong saktan? Sino namang may matinong pag-iisip na tatabi sa taong sinaktan sya? wala? Meron? Eh kung meron martyr mo! Ikaw na. Push mo yan. Ito korona ♚. Sayo na 👸

SA RESORT

Nagiimpake na kami dahil mamaya pagkatapos ng tanghalian ay babalik na kami sa Manila. At kung tinatanong niyo kung nasan si Ice. Hindi ko alam. Baka nasa brief niya na Calvin Klein.

Natapos ang tanghalian ng matiwasay. Andito na kami sa labas hinintay ang Van nila Ice. After ng ilang minutes ay dumating ito at ready to go na kami. Katabi ko ngayon si Ice -.- tahimik ang loob ng van walang gustong mag-ingay. Tinignan ko sila natutulog pala.

Isinampak ko yung earphone ko at pumikit matutulog muna ako mahaba-haba pa naman yung byahe.

--

"Anica gising na. Nasa condo mo na tayo."

Dinilat ko yung mata ko at nasa condo na pala ako. Waaah I miss my condo!

"Anica alis na kami." Aly

"Sige. Salamat. Ingat kayo."

"Ikaw din ingat ka." Hinatid ko na sila sa pinto. Ng makaalis na sila ay inayos ko muna yung mga damit ko. At yung mga damit na nagamit ko ipapalaundry ko to bukas.

Nag half bath nako at ready to tulog na. Hay sana mawala na si Ice. Forever. Joke lang. Goodnight 😘

--

#BeingSnob

Being Snob (Completed)Where stories live. Discover now