28

4.9K 65 0
                                    

Ice

I watch Danica sleeping peacefully sa tabi ko. Hindi ko talaga inakala na sa huli ay kami parin. Naalala ko naman yung sinabi niya sakin,

"I don't care kung wala kang gusto sakin, pero ito ang tandaan mo tayo ang ikakasal itatak mo yan sa maganda mong abs."

Hindi ko talaga makakalimutan yun. Tinignan ko naman si Danica she's so beautiful, hinaplos ko naman yung muka niya.

"I love you Danica Santiago-Heluxus."

"I love you din." Gising na pala to.

"Good morning wifey."

"Good morning din." Kiniss ko naman siya sa lips.

"Ano ba hindi pa ako nag to-toothbrush!"

"I don't care." Niyakap ko naman siya."Thank you Danica."

"Thank you? Para saan?"

"Than you kasi pinatawad mo parin ako sa lahat ng ginawa ko sayo noon. Thank you kasi minahal mo parin ako. Thank you kasi binigyan mo pa ako ng isa pang chance para patunayan na mahal na mahal na mahal kita. Thank you kasi nandito ka, kayo ng mga anak natin. Sorry din sa lahat ng nagawa kong pagkakamali sayo. Sorry Danica. Mahal na mahal kita wifey."

Pinalo naman niya yung dibdib ko. "Ano ka ba Ice matagal na kitang napatawad alam kong alam mo yun. Thank you din kasi tinanggap mo kami ng mga anak natin akala ko napipilitan kalang kasi may anak tayo hahaha mali pala ako tinanggap mo kami kasi mahal na mahal na mahal mo kami. Thank you Ice kasi dumating ka sa buhay ko ikaw ang nagbigay ng kakaibang saya, lungkot, takot at pagmamahal sa buhay ko. I love you so much."

"I love you hindi ako magsasawang sabihin yan sayo Danica." Niyakap naman niya ako ng mahigpit. Hahaha alam kong kinikilig ito. Bakla man pakinggan pero ako rin kinikilig.

--

"Kuya yung baon niyo?"

"Nasa bag napo mama."

"Sabay kayo ni Icy kumain ha."

"Opo." Kiniss naman ni Zac at Icy si Danica.

"Good bye mama."

Lumapit naman sila sakin at hinalikan ako sa pisngi pati narin si Gabby. "Good bye papa. Good bye baby." Kinurot muna ni Icy yung pisngi ni Gabby.

"Good bye babies. Ingat kayo ha. Kuya bantayan mo si Icy."

"Opo papa. Love you pa kayo ni Mama."

Sumakay na sila sa school bus nila. Habang busy sa pag wave.

"Baby pumunta na ng school yung ate at kuya mo." Kinausap ko naman si Gabby pero parang wala siyang narinig busy siya sa pagkain ng slice bread niya namay nutella.

"Ice hindi ka ba papasok? Malalate kana." Nakabihis na din kasi ako pero wala pa akong planong pumunta sa companya dito muna ako sa baby Gabby ko. Kasi tuwing makakauwi nako natutulog na kasi si Gabby.

"Wifey ako ang CEO kaya okay lang na malate ako." Sinamaan niya naman ako ng tingin. May nasabi ba akong mali?

"Kaya nga hubby ikaw yung CEO ikaw ang model sa companya. Paano nalang kung parati kang late baka yung mga empleyado mo tutulad sayo."

"Sige na nga." Nilagay ko naman si Gabby sa upuan niya." Pero wifey gusto mong sumama sa company?" Nilagay ko naman yung kamay ko sa bewang niya.

"Baka may meeting kayo o baka makaistorbo kami ni Gabby."

"Wala kaming meeting at hindi kayo nakakaistirbo. Sige na para pagkatapos ng trabaho susunduin natin sila Zac at kakain tayo sa labas."

"Okay bihis muna kami ni Gabby. Ihanda mo rin yung babaonin natin ha." Tumango nalang ako at ginawa ang inutos niya.

Being Snob (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora