NUEVE

254 15 0
                                    

*Nosi toits?

Sa isang malaking bahay sa probinsya naghihintay ang isang lalaki sa tapat ng pinto nito.

'Magandang umaga po Mister, anong sadya nyo rito?' tanong ng isang binatilyo.

"Narito ba nakatira ito..." Sabay pakita ng litrato.

'Ah oho dito po sya nakatira. Kaso ho nagtungo ko sya ng Campo santo para mag-alay ng bulaklak.'

"Ganun ba hijo, pwede ko ba syang hintayin hanggang sa sya'y makauwi"

'Ah sino po ba sila?'
Takang tanong ng binatilyo, hindi naman kasi inaasahan na may dadalaw sa kanyang Amo.

"Ay ipagpaumanhin mo hijo, Ako si Amir De Castro. Naging matalik kong kaibigan ang kanyang Anak na si Christina. Nandito ako para kamustahin si Donya."

'Ah ang seniorita. Pagpasenyahan nyo na po ko. Bilin po kasi sa akin na lahat ng dadalaw kay Lola eh alamin ko po kung sino eh.'

"Naiintindihan ko hijo. Ano maari ko ba syang mahintay?"

'Ah sige po Mister. Pero siguro dito nyo nalang po hintayin sa Hardin, kung ayos lang sainyo Mister.'

"Mainam na dito hijo. Maraming salamat."

'Sige Mister maiwan ko muna kayo sandali para ipaghanda kayo ng Maiinom.'

Tumango't ngumiti lamang ang lalaki sa binatilyo.
.
.
.
.
.
.

Makaraan ang ilang minuto narinig ng lalaking ang pagpatay ng makina ng traysikel. Hindi nya itong nilingon.

'Lola, nakabalik na pala kayo' Wika sa matanda at nagmano ito dito.

"Oh mabisita tayo?" tanong ng matanda

'Oho, ito na po dadalhin ko ho sa kanya ang kape barkong ginawa ko.'

"Nasa hardin ba sya?"

Tumango lang ang binata.

"Osya dalhin mo na doon at susunod na ako doon."

Umalis na binatilyo.

'Mister, ito na ho. Kapeng barko ho yan.'

"Salamat, si Donya na ba dumating?"

'Oho, baba narin ho sya. Sige po'

Umalis na muli ang binatilyo.
.
.
.
.
.
.

Nakatayo ang lalaki sa parte ng mga bugambilia pinagmamasdan ang makulay na bulaklak nito.

"Napakaganda na bulaklak, ano hijo?"

Hinaplos ng lalaki ang kamay nito sa mga bulaklak. At nanatiling nakatalikod sa matanda.

"Maganda ngunit nalalagas na ang mga ito."

"Hindi ko na kasi naalagaan ang mga yan. Kaya nagsisilagasan na."

"Kung ganun, matagal-matagal ng hindi kayo ang nagdidilig nito. Paborito nyo ba itong bulaklak?" Bulalas ng lalaking.

"Oo, matagal na simula nung..." Hindi nya itinuloy ang sasabihin, hindi naman ito binusisi pa ng lalaki. "Oo ang bugambilia, ang rojo na yan ay ang aking paborito kulay. At amarillo at blanco ay paborito ng aking mga apo. At..."

"At ang rosado ay paboritong kulay ni Christina." Singit nito at putol sa kwento ng matanda.

"Paano mo nakilala ang anak kong si Christina?"

"Sino ho bang hindi makakakilala sa napagandang si Christina, Isang matalino at mabait na babae." Wika ng Lalaki

Nag baliktanaw ng kwento ang lalaki

Happy Together (RaStroAlDub FF)Where stories live. Discover now