DIEZ

268 18 0
                                    

* The Search 2.0

3 weeks na nung nagsimula magtrabaho si Divina at Alden sa 1RK. At ganun din ang paghahanap ni Glaiza at Rhian kay Nico, hindi pa yun nagkatampuhan pa ang dalawa.

Flashback.

"Lab, uwi na tayo. Gabi na oh!" Haplos nya sa kamay ni Glaiza.

Pero si Glaiza walang imik.

"Lab? Ano tara na. Pahinga na tayo. Promise bukas resume tayo."

Tahamik pa rin si Glaiza. Nasa loob sila ng kotse ngayon.

"Lab? Uwi na tayo. Alam ko pagod ka na din eh."

"ANO BA?? KUNG GUSTO MONG UWI. MAUNA KA NA!! KUNG PAGOD KA NA IKAW NA MAGPAHINGA"

Kinagulat naman ni Rhian ang naging asta ni Glaiza sa kanya.
Kaya nasagot din nya sya.

"FINE! UUWI NA AKO! BAHALA KA SA BUHAY MO!!"

Lumabas na sya ng kotse at tulayan ng umalis.
Saka naman natauhan si Glaiza.

"TEKA RHIAN! WAIT!"

Bigo na syang maabutan si Rhian. Kaya bumalik na sya kotse at pinagpapalo ang manibela.

End of Flashback.

1RK

"Glai. Ano dito ka nanaman matutulog?"- Si Chynna.

"Oo. Bakit saan mo ko gusto patulugin?" Si Glaiza habang inaayos yung room nya sa Office.

"Nako wag mo kong hiritan ng mga ganyan mo ah. Alam mo kung saan Glaiza Galura!." Naasar na sabi nya.

Simula kasi nung nagkasagutan sila ni Rhian. Hindi na umuuwi ng bahay si Glaiza. Dito na sya natutulog at oo ginawa na nyang bahay tong office.

"Eh, may mga tatapusin pa ko. Tska bukas hahanapin ko pa yung kapatid ko."

"Oo tsong. Alam ko naman yang mga importante mong gawain eh. Pero ano mag-iiwas nalang kayo lagi ni Rhian. Glai importante rin si Rhian sayo diba. Ayusin nyo yung sa inyo. Hindi yung ganito kayo." - Chynna

"Ano gagawin ko. Diba hindi nya ko kinakausap. Tapos yung mga pinapadala ko sa kanya pinababalik nya lang. Akala mo hindi ako nahihirapan, miss na miss ko na sya eh." - Glaiza

Napakamot ng ulo ang kaibigan nya.

"Miss na miss mo na diba? Edi umuwi ka na ngayon sa condo nyo. At mag-usap kayo ng matino. Ibaba mo muna yang pride mo, tutal kasalanan mo naman yan eh." Sarkastikong paliwanag ni Chynna.

"Salamat ha. Ipagduldulan pa. Pero anong sasabihin ko?" - Glaiza

"Edi humingi ka ng sorry. Kasi yung naman talaga dapat ang gagawin mo. Tapos paliwanagan mo ng malumanay, tapos kung waepek at least nagsorry ka na. Sya na may problema. Ganun lang yun tsong." - Chynna

Nagnod lang si Glaiza.

"Sige Glai, uwi ka na. Kami na bahala nila Alden magclose ng resto." Pahabol ni Chynna.

Agad naman nag-ayos ng gamit si Glaiza. Kinuha ang susi ng kotse nya.

"Ah! G-good evening Ma'am Glaiza. Uwi na po kayo?"

Nautal pa si Alden na bumati kay Glaiza. Halos hindi kasi nila nakikita si Glaiza minsan lang lumabas ng lunga nya. Dahil nga nag-iiwasan sila ni Rhian.

"Ikaw pala Alden. GEvening din. Oo uuwi na ako. Susuyuin ko na si Rhian."

"Ah. Buti naman po. Lagi po kasing malungkot si Ms. Rhian eh. Wala pong sigla yung mga mata nya." - Alden

Happy Together (RaStroAlDub FF)Where stories live. Discover now