QUINCE II

164 12 0
                                    

*It's a family day 💀*

"Surprise... HAHAHA"

"Detective bakit mo ginagawa to? Anong naging kasalanan ng Pamilya ko at ni Rhian para idamay mo sya rito." tanong ni Glaiza

"Paghihiganti!" Matigas at may hugot na wika ng Detective.

"Ang paghihiganti ko sa kalupitan ng mag-asawang matandang Galura... Masaya naman na kami eh kahit pa tago ang relasyon namin. Mahal na mahal ko sya, noong mga panahon na yun sya lang tinuturing kong naging magandang parte ng buhay ko ngunit hanggang sa hiwalayan nya ako gumuho ito, dahil napag-alamanan ko na nalaman ng Lalaking Galura na may karelasyon sya kaya pinaglayo nya kami. Napasakit sa aming dalawa na wala kaming nagawa. At hindi pa nakuntento ang matanda iyon, inalisan pa ako ng hanapbuhay. At tinangka pa ng Ama mo na patayin ako dahil utos daw yun ng Lolo mo..." huminto muna si Detective Sotto.

"At nang mawalan ako ng hanapbuhay sa lumuwas ako ng Maynila para magbakasaling makalimutan ko ang lahat ng sakit... Hanggang sa nakilala ko si Mr. Howell na syang nagbigay sa akin ng trabaho, yung mga ilang taon kung pagtatrabaho sa pamilya nila maayos naman hanggang sa isang pagkakamali na hindi ko naman ginawa, nalasap ko nanaman ang mapagmalupitan. Tinanggal nya ako sa trabaho at pinabugbug pa sa mga tauhan nya. Nang mga panahon na yun walang-wala ako, walang pamilya, walang trabaho, as in wala. Sabi ko nga hindi ba pwedeng maging masaya ang isang tulad ko lahat kinuha na sa akin... Kaya sabi ko isang araw maghihiganti ko, gumawa ako ng paraan na alam ko, gumawa ng plano, nagpabago-bago ako ng identification, may mga tumulong sa akin at nagtagumpay na ang lahat ng plano ko... Ako ang kumuha sa kapatid mo Glaiza itinaon kong fiesta noon sa lugar naten."

"Napakasama mo nangulila kami ng lola ko sa Kapatid ko. Wala kang puso puro galit na ang umiral dyan... "

Tumayo ang lalaki't lumapit kay Glaiza.

"Bakit anong gusto mong umiral dito, saya't tuwa at isipin na wala lang ang lahat. T*nging ina buhay to. Pinapatawa mo ko Glaiza!!!" Ang Galit ng wika ni Detective Sotto.

"Sabagay natuwa naman din ako kasi unti-unting nasisira ang pamilya nyo...Sinunod ko ang Ama mo, ako rin ang dahilan ng masangkot sya sa isang aksidente tutuluyuan ko na sana kaso naisip ko pwede ko pa syang pahirapan kaya binuhay ko sya kaso ang loko magaling talaga natakasan pa ako ngayon. At nang malaman ko na namatay na ang matandang Galura ay labis na galak ko noon karma na ng panahon ang gumawa sa kanya iyon para mawala sya mundo. Pero hindi ibig sabibin noon titigil na ako... HAHAHAHA"

Isang serena ng wang-wang kanilang narinig.

"Boss nahuli na ng mga parak sila Rafael anong gagawin naten?"

"Isuko mo na si Rhian, at di ko na sya kailangan rito. At pagtapos nun tumakas ka na ng hindi nila nahuhuli at mangibang bansa ka na."

Hinigpitan ni Glaiza ang pagkakahawak kay Rhian.

"Teka bitawan mo ko? Ano ba." - Rhian

Paghatak sa kanya ni Louisse.

"Detective kung papatayin mo rin si Glaiza mabuti pang kami dalawa na. Mas gugustuhin ko pang mamatay ng kasama sya. "

"HAHAHAHAHA. Napakasweet mo naman sa kanya...Sige na Louisse ilabas mo sya at umalis ka na rin rito...At ako ng bahala sa anak ni Jamie."

"RHIAAAAN! "- Glaiza

At tuluyan na ngang inilabas ni Louisse si Rhian para isuko.

"DETECTIVE SOTTO, SUMUKO NA NG MAAYOS. PALAYAIN MO NA ANG MO Ms. Galura." Isang pulis ang nagpapasuko sa Detective.

"Detective parang awa nyo na ibalik nyo na ako sa pamilya ko. Hindi gugustuhin ng mama ko na nabubuhay kayo sa galit...Naalala ko ang papa ko buong buhay ko galit na galit ako sa kanya dahil sa pag-iwan nya sa amin pero nung nalamang ko kay Lola Sole ang nagkatotohanan ay sinimulan ko ng limimutin yung galit dito sa puso ko. Nagkamali ako ng akala eh. Kaya para nyo ng awa... "

Happy Together (RaStroAlDub FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon