CATORCE II

200 14 0
                                    

×××

Kanina pa nagmamasid si Rhian sa labas, may mga bantay pa ding naadun sa paligid.

"Hmm.. " ungot ni Jamie

"Mang Jamie thaank God you're awake."

"Rhian! Anong oras na bakit di pa magpahinga? At baka malamang bukas o mamaya papahirapan nanaman nila tayo." sabi ni Jamie

"Mang Jamie, hindi ko na hihintayin ang mag umaga, kailangan na naten makaalis rito. Mang Jamie, please If you really want to see your family *hinawakan ni Rhian ang kamay ni Jamie.* wag kayong panghinaan ng loob. Diba matagal nyo na silang gustong makita, makayap at sabihin ang totoo, eto na yung pagkakataon. "

Nagkaroon ng pag-asa ang mukha ni Jamie dahil sa mga sinabi Rhian.

"Tama Rhian, wala na akong sasayangin oras. Matanda na din ako kahit man lang sandali ay makasama ko ang mga Anak ko." - Jamie

Lumawak naman ang ngiti ni Rhian at di mabibigo ang plano nyang tumakas. Gustong-gusto na din nyan makita si Glaiza.

×××

Pagtapos ng hapunan.

"Divina?"

"Lola Sole kayo po pala."

Natanaw kasi ng matanda si Divina na sa garden kaya pinuntahan nya eto.

"Ayos ka lang ba hija? Hindi ka na lumabas ng kusina kanina." pag-aalala ng matanda.

"Aah pasensya na po La, inayos ko lang yung mga ginamit ko sa pagbabake kanina." pagsisinungaling nya.

"Ganun ba hija."

Tumango lamang sya.

"Ay sya nga pala ke sarap nung ginawa mong Cake. Gusto ko sana next year ay ikaw ang gumawa ng cake ko ha. "

"Ayun lang pala Lola eh, no problem po." ngumiti naman si Divina.

"Oh okay lang ba talaga? Parang mabigat ang dinadala mo eh. "

Muli tanong ng matanda, nararamdaman kasi nito na hindi sya maayos. Kasi yun naman talaga totoo.

"Ayos lang po talaga ko. Pagod lang din po siguro ako." wika nya kay Lola.

"Hmm mabuti pa ngang magpahinga ka na dun sa loob Divina at para maibsan yang pagod mo. "

"Sabay na po tayong pumasok."

"Nako hija, mauna ka na't magpapahangin pa ako. Wag kang mag-alala gabi-gabi ko namaan tong ginagawa. Sige na mauna ka na." - Lola Sole

"Osige po Lola, Goodnight po. " At hinalikan ni Divina ang matanda sa noo na akala mo sila ang mag-Lola.

Humawak lang si Lola sa braso ni Divina.

Nang makaalis na si Divina. Sya naman tong pasok ni Nico sa eksana nagkatinginan pa ang dalawa. May dalang gatas si Nico para siguro kay Lola.
"Lola!"

"Nico Apo ko, buti nandito ka."

"May dala po kong gatas. Sabi ng Papa ko masarap daw ang gatas sa gabi bago matulog eh. Ako po nagtimpla nyan."

Sumobra naman pagkamagalang nya ngayon.

Inabot naman ng matanda ang dalang gatas ni Nico at inilapag muna ito sa lamesang salamin.

"Salamat Apo... Hay! Kamusta naman ang nagkupkop sayo? "
Panimula ni Lola Sole

"Maayos naman po La. Mababait ang nag-ampon sa akin. May dalawa po akong kapatid."
"Siguro nga'y napakabait ng nag-ampon sayo noon...Patawad apo ko kung nawaglit ka samin ng ate mo nang kaytagal... Alam nang diyos na parati ka namin hinahanapan-hanap.."

Happy Together (RaStroAlDub FF)Where stories live. Discover now