04 | Crush

419 22 4
                                    

Khaleesi

"Baka naman crush mo na pala yang si Jeonghan ah?" sabi ni Aphrodite.

Nandito kami sa isang cafe malapit sa school. 5 na ng hapon at napagisipan naming tumambay na muna dito. Actually hinihintay lang naming sunduin sya ng kuya nya ngayon.

"Hindi ah."

Hindi ba talaga Khal? Buti nakaraos naman ako kaninang math namin. Ayun, dinasalan ko yung board. Nakatayo lang ako dun. Nakakahiya diba?

SOBRA.

Buti may sumagot ulit sa pinapa-solve sa akin. Kaso hindi na si Jeonghan yun.

"Asus. Utut mo. Bihira ka lang magka-crush kaya alam 'kong may kakaiba dyan sa smile mo."

Hala— agh. Stahp.

"Ewan ko sayo!"

Bigla namang may bumusina sa labas ng cafe. Hindi naman sobra. Sakto lang.

"Ayun na si kuya. Sige na, bye!"

"Bye."

Nauna na syang lumabas sa cafe. Maya maya pa, napagdesisyunan ko nang umuwi na dahil mag-gagabi na at baka mag-alala na yung emo 'kong kuya kaya nagsimula na akong mag-lakad pauwi.

.

"How's your day?" Tanong sakin ni hyung.

"Ah okay lang."

Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan.

"Walang bago?"

Bukod sa meron kaming gwapong transferee na crus— bukod sa merong bagong transferee, wala.

"Wala." Ayoko nga sabihin. Aasarin lang ako neto eh. May lahing salbahe to. Half devil ba naman.

"Ang boring naman."

"Ganon talaga. Eh yung araw mo ngayon hyung? Kamusta?"

Nag-isip pa sya ng masasagot nya. Sus, lagi namang maraming kwento yan si Wonwoo hyung eh. Kailan ba yan naubusan ng kwento?

"Okay lang din." Kibit balikat niyang sagot. Alam 'kong never yan nawalan ng kwento kaya inantay ko nalang yung sasabihin niya. "Biro lang. Kanina na-singit ng prof namin kung paano gumawa ng wig. Grabe ang hirap pala. Ano ba feeling ng mahaba buhok, sis?"

Napaisip naman ako. May feeling ba yun? Normal lang naman para sa akin. Well, minsan makati pero nasasanay ka nalang.

"Bakit di mo i-try magpa-haba ng buhok para malaman mo yung feeling hyung?"

Malay mo naman bumagay kay hyung diba?Imagine.. Si Wonwoo na mahaba ang buhok?

"Ayoko nga. Hindi bagay sa akin mahaba ang buhok. Hindi naman talaga bagay sa mga lalaki ang mahaba buhok sa generation ngay—"

"Hindi kaya." Mabilis 'kong sagot. Bakit si Harry Styles? Si Thor? Si Bucky Barnes?

"Well, siguro sa mga americano bagay. Kapag asian kasi—"

"Hindi ah! May ka-klase nga ako na—"

Hindi ko namalayan na pinagtatangol ko na pala si Transferee.

"Na..?"

Na? Na ano? Na gwapo tapos mahaba ang buhok? Oh please Khal, stop.

"W-Wala."

Binilisan ko na yung pag-kain sa hapunan ko tsaka nilagay yung pinagkainan ko sa lababo.!Dali dali akong dumiretso sa kwarto ko at nahiga pag-tapos.

entice | jeonghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon