21 | White Sneakers

222 14 8
                                    

Khaleesi

Sa huli, naki-kain din ako. Pero hindi naman sobrang dami to the point na maje-jebs na ako, yung sakto lang.

Kanina pa ako tumigil kumuha ng pagkain dahil busog na nga ako, ganon din si Minghao, Jun, Woozi, Joshua at Jeonghan. The rest, chibog pa rin ng chibog.

Pati best friend ko chumichibog din ng ubod. Grabe lang.

Biglang tumayo si Jeonghan sa upuan niya.

"Oh, saan ka?" tanong ni Woozi sakanya.

"Magpapa-baba lang ng kinain. Babalik ako." sabi niya tsaka umalis.

Bading talaga. Ang daming arte sa buhay, papababa pa ng kinain. Nasa tyan parin naman yun ah! Itatae niya lang din naman, bakit pa siya magsa-sayang ng effort na mag-lakad eh bale-wala lang din naman yon.

Nagsa-sayang lang siya ng effort. Pinapagod niya lang sarili niya.

(syll: daming sinabi.)

Eh pake mo ba, sakalin kita syll.

"Excuse me. Ako din" sabi ni Joshua at lumabas din.

Ho. May. Gad.

Totoo ba yung rumours? Na may something kanila Joshua at Jeonghan like wtf?! Kaya ba madalas silang mag-kasama? Dahil may something sa kanila?

Okay gigil nanaman si ako like what the hell. May pa-don't stay away from me pa syang nalalaman?

Hampasin ko siya ng tunay eh.

Dahil sa inis ko, napasugod nanaman ako sa foods. Ayon, kung ano anong uri ng dessert ang kinuha ko eh sa nangigil ako bigla eh bakit ba.

I'm craving for the sweetness that he can't give. Ay ano po.

Joshua's

"E-Eh sir.. Ano po ba ang size ng shoes ng girlfriend niyo?" tanong ng sales lady kay Jeonghan.

"she's not my gir— ugh. I don't know!"

"E-Eh sir mahirap po kasing tumantya baka i-refund niyo lang."

Nanahimik bigla si Jeonghan na parang napa-isip.

Lumapit nga ako.

"Oh problemado ka?"

"Joshua? Bakit ka nandito?"

"Nag-buffet tayo diba?"

"I mean as in dito. B-Bakit nandito ka?"

Nag-kibit balikat lang ako sakanya at tinignan yung hawak niyang sapatos. Nag-kunwari akong ina-analyze ang sitwasyon kaya agad naman niyang napa-tago ang sapatos sa likuran niya.

Kunwari pa to asus.

"Anong binibili mo dito?" tanong ko sakanya.

"Ahh sapatos. Para sa kapatid ko, hindi ko nga lang alam k-kung ano ang size nya."

Tumango ako at umupo sa tabi.

"Di mo alam ang size ng paa niya?"

Umiling siya.

"Sa tingin ko size 8 lang sya."

"Pano mo nalaman?"

"Tantya ko lang. Trust me."

Nag-dalawang isip pa siya pero sa huli sumunod nalang din. Pagkatapos niya bayaran, bumalik na din kami. Wala akong binili, sumunod lang talaga ako.

entice | jeonghanDonde viven las historias. Descúbrelo ahora