48 | Seungcheol's Party (2)

137 11 5
                                    

Khaleesi

Naka-dating na kami sa resort at ni-welcome na kami ni Seungcheol. Nandito kami currently sa lobby at dini-distribute nya ang keys para sa rooms. Isang pair per room ang mangyayari at sino pa ba ang makakasama ko, si Dite lang naman.

"Welcome ladies. You can have your lunch at the resto or by room service. The party starts at 5, enjoy." Sabi sa amin ni Seungcheol bago ibigay susi namin ni Dite.

Nag-pasalamat kami kay Seungcheol at nauna na akong mag-lakad papunta sa elevator. Kaso bigla akong binato ni Aphrodite ng sapatos nya.

"Ano?!" Nilingon ko siya.

"Tulungan mo ko, nasira yung gulong ng maleta ko!" Reklamo niya kaya naman tinignan ko. Nasira nga.

Kasi naman, "Bakit ka kasi naka-maleta?!" Eh bukas lang din naman ang uwi namin. Akala mo naman magbabakasyon itong gagitang ito.

"Manahimik ka, makikinabang ka din dito, tumulong ka nalang!" Utos nya kaya naman sumunod na ko. Eh nakakahiya ang ingay nya may ghad.

Tig isang kamay kami ni Dite sa handle kasi nabibigatan kami. Pakiramdam ko pa nga mababali na ang kamay ko.

"Gaga ka ang bigat!"

"Wag ka nga mag-reklamo!"

"Panong hindi ako magre-reklamo eh ang bigat bigat?!"

"Makikinabang ka din naman dito eh kaya wag ka mag-reklamo sasakalin kita!"

"Pake mo ba eh gusto ko mag-reklamo eh!"

"Eh makikinaba—"

Biglang sumingit sa amin si Jun. "Ako nalang magbu-buhat para walang reklamo.

Nang sabihin niya iyon, mas mabilis pa sa mabilis naming ni-let go ni Aphrodite yung handle ng maleta. Ang cute, reklamo kami ng reklamo eh 3 hakbang palang pala yung na-hakbang namin.

"Salamat Jun." Sabi ko nang buhatin niya yung maleta ni Aphrodite.

Nakita ko yung mga bakas ng ugat sa kamay niya nang buhatin niya iyon. Hala kinilig ako, paharot ng bahagya.

"Anong room niyo?" Tanong ni Jun habang nagla-lakad kaming apat papunta sa elevator. Kasama niya si Minghao. Sila ata ang mag-kasama sa room.

"617" sabi ko.

"Mag-katabi lang pala tayo ng room. 618 kami ni Minghao." Sabi naman ni Jun.

Tinignan ko si Aphrodite pero naka-tingin lang siya sa kamay ni Jun. Hala, kinilig din ang gaga. Ano ba yan tukso layuan mo kami. Taken na puso namin!

"Noona, do you need some help with your backpack too?" Tanong ni Minghao sa akin.

Awe ang fluffy fluffy naman ng lalaking ito. Ang sarap protektahan sa mundo parang baby.

"No I'm fine Minghao, thank you." Nginitian ko siya.

"Your shoe laces are untied noona. Need some help?" Tanong niya ulit sa akin.

Pinigilan ko ang mapa-aww sa kanya kasi gustong gusto niya tumulong. Grabe naman ang cute nya pero mas matanda ba talaga ako dito? Ang tangkad tangkad eh.

"No I'm fine, really. Thank you." Nginitian ko siya.

Binigay ko kay Aphrodite yung susi bago bumaba para i-tali yung shoe lace ko. Sumakto naman sa pag-bukas ng pinto ang pag-tayo ko matapos ko itali yung shoe lace. Nauna silang pumasok at hahakbang na din sana ako nag may kamay na pumigil sa akin.

Pagka-tingin ko si Jeonghan.

"Oh anyare sayo te na-statwa ka?" Tanong ni Dite. Lalabas sana sya para tignan kung ano meron pero hinarangan ko sya.

"A-Ahh sige mauna na kayo, susunod ako." Sabi ko bago mag-sara yung pinto.

"Sure ka te?"

"Yup!"

Nginitian ko lang sila hanggang sa mag-sara na ng tuluyan ang pinto ng elevator. Inantay 'kong maka-akyat sila sa 2nd floor bago lumapit kay Jeonghan.

"Bakit?" Tanong ko.

Seryoso lang siyang naka-titig sa akin. "Exchange rooms with me."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Ha?!"

"Katabi ng room niyo ang room nila Jun right?"

Tumango ako. Ano naman ngayon?

"Let's exchange rooms then."

"Ha? Bakit?"

Kung hindi siya komportableng katabing room namin sila Jun, pwes, kinikilig ako hakhak. Akalain mo yun marunong pala sya mag-selos.

Hindi niya ako sinagot. "Ano ka ba Jeonghan, kaibigan naman namin si Jun. Kaibigan mo din siya, ano ka ba!"

Nag-salubong ang kilay nya at ngumuso ng bahagya. Hindi ko alam kung naiinis ba sya pero sa paningin ko ang cute cute nya.

"Wag ka na mag-selos hihi."

"Hindi ako nagse-selos."

"Eh ano lang?"

"Protective lang."

Ih kilig naman ako sa sagot niya. Parehas lang naman yun eh! Binabakuran niya pa din ako kahit na patagong kami lang. Ano ba yan, yun lang todo kilig ako.

"Bahala ka nga dyan! Hihi aakyat na ako."

Hanggang ngayon hindi pa rin siya natutuwa pero ako tuwang tuwa ako. Bumukas kaagad ang pinto ng isang elevator kaya nauna na ako kahit na ganon pa rin itsura nya. Pinindot ko ang number 6 at sinara na ang elevator.

Magsa-sara na sana yung pinto ng elevator nang makarinig ako ng isang nakakarinding boses.

"Wait for me!" Sigaw ni Athena.

Ni-rolyo ko ang mata 'kong pinigilan ang pag-sara ng elevator. Nang makita niyang ako ang tao sa elevator, nag-bago ang itsura nya.

Ang arte nya. "Ano ba? Papasok ka o hindi?"

Tumingin sya sa kaliwa't kanan niya bago ngumisi sa akin. Problema nitong gagitang ito?

"You know what? On the second thought, no thanks."

"K." Inirapan ko siya at sinara na yung pinto ng elevator. Bago mag-sara yung elevator, nag-salita pa siya.

"Enjoy the long ride." Sabi niya bago mag-walkout sa kung saan na hindi ko alam.

Nang mag-sara na yung elevator sumigaw ako. Nakakainis talaga itong babaeng ito, ang sarap i-chainsaw ng bibig! Kung may lahing demonyo lang ako, ginawa ko na eh.

"Tang ina akala mo maganda eh mukha namang coloring book ang mukha! Nakakapang-gigil eh. Ang sarap iuntog sa puno ng mang— AHH!"

Aray! Biglang umalog yung elevator kaya naman napa-upo ako sa sahig. "PWET KO!" Ang sakit, ang lakas ng pag-hampas sa sahig.

Dahan dahan akong tumayo. Nang maka-tayo na ako, napansin 'kong tumigil sa number 3 ang elevator. Teka nga, don't tell me?

Pinindot ko ulit yung number 6 pero hindi nag-respond yung elevator.

Sabi ko na nga ba eh. Pagka-labas ko dito sa elevator na ito hindi na talaga ako magpipigil na sampalin iyang si Athena na iyan ha. Nakakapangigil.

"Mamatay ka na bwisit ka!" Sigaw ko sa elevator bago pindutin yung bell button. Nag respond yung elevator ng tunog ng buzzer. Siguro para ma-notify lang ang mga staffs na may na tao sa loob.

Paulit ulit ko siyang pinindot nang ilang segundo pero puro buzzer lang naririnig ko.

Umupo nalang ako sa sahig kasi wala naman akong ibang pwedeng gawin kundi ang mag-hintay. Wala ding signal. Hay nako so cliche.

Kapag talaga sa susunod na kita ko sa babaeng yan, di na ko mag-pipigil.

"AHHHH KAINIS!"

--x

entice | jeonghanWhere stories live. Discover now