Chapter 27: Gone

36 5 1
                                    

D A R C E Y ' S   P O V

"Sino na naman kaya ang may pakana nito? Ang nakalagay sa papel na nasa bulsa nung lalaking kinadena natin ay 'die now -O'. Sino si O?" Sunod-sunod na sabi ni Blake. Nandito pa rin kami sa headquarters ng mga lalaki. Kakatapos lang malinis ang mga bangkay sa labas.

"Pansin ko lang ah! Ang daming trahedya ang nangyayari sa atin." Sabi ni Rile. Yeah, he's right. At lahat ng nangyayari ay puro may letter na nabibigay sa amin.

"Maybe someone's after us." Sabat ni Owie.

"At parang marami sila dahil iba-iba ang pangalan ng nagbigay ng letters." Sabi naman ni Margs. She's really close to the boys now, huh?

"You think alam nila na may abilities tayo?" Tanong ni Layla na ngayon ay nagwe-weight lifting. May nakita kasi kami kaninang barbell sa taas ng headquartes nila.

"I think so." Sabat ko. Yes. Feeling ko alam nila na marami sa amin ay Carriers Of Healer. Bakit pa kasi kami nagkaroon ng ganito? I want to live a normal life. Hindi 'yong lagi na lang may gustong pumatay sa amin.

Minsan iniisip ko kung paano kami naging Carriers Of Healer. Hindi naman kasi pwedeng pinanganak kaming ganito. Well, sabi ni Tania, si Ace at Harper ay pinanganak na Healer-born samantalang kami nina Blake, Layla at Aaron ay na-injection-an lang.

Sino ba ang nasa tamang pag-iisip ang gagawa non sa amin? At paanong naging Healer-born si Harper at Ace? May Healer-borns pa kaya tulad nila?

Sometimes, I'm questioning myself kung sino-sino ang nakatira sa mundong 'to. iniisip ko kung meron din bang special abilities ang ibang tao. Ugh! This is stressing me out.

"Where are the letters?" Napatingin kaming lahat kay Harper na ngayon ay nakaupo lang habang nakatingin ng blangko sa amin.

"Nakatago." Sagot ni Zara at Felix.

"Good. I wanna see it." Sabi na naman niya. Napakunot na lang ang mga noo namin.

"And I wanna see Gavin and Peter too. Margs?" At saka biglang tumango si Margs. I think she'll contact them using her weird devices again.

"Zara, come on." Tumayo si Zara at Margs at saka mabilis na umalis. Mas kumunot lang ang noo ko sa ginawa ng dalawa.

"Where are they going?" Tanong ni Vannesse.

"Margs will contact Gavin and Peter and Zara will get the letters from all the incidents." Sagot ni Lexi. Oh! Ang galing naman niyang mag-analyze ng mga bagay. Sabagay, she can always solve puzzles easily. At mukhang nilaro lang niya ang puzzle sa sitwasyong ito.

"Anong kailangan mo sa dalawang panget na 'yon?" Tanong ni Rile habang nakasalubong ang kilay kay Harper. Binagsak ni Layla ang barbell at humarap kay Rile nang nakataas ang kilay.

"Makapanget ka ah! Gwapo kaya sila!" Oh God! Magaaway ba sila dahil dyan? Ugh.

Let The Games BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon