Chapter 45: Good and Bad News

14 5 0
                                    

O W I E ' S   P O V

Nagising ako sa isang kama at akmang uupo ngunit biglang sumakit ang ulo ko. Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita ko roon si Lexi at Zara na nakahiga. Dumilat si Lexi kaya nag-iwas na agad ako ng tingin.

Habang hawak ko ang ulo ko ay biglang lumapit sa akin si Lexi.

"Are you alright?" Tanong niya at mukhang nag-aalala nga talaga siya kaya napangiti na lang ako.

"Y-yeah."

"What happened?" Napatingin ako sa kaniya pagkatapos ay kay Zara. Mukhang mahimbing pa ang tulog ng kapatid ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang marealize ko na ayos lang sila.

"Magpahinga ka na lang muna." Ngiti ko sa kaniya. Sumimangot siya pero ngumiti na rin at bumalik sa kama. Kahit medyo masakit pa ang ulo ko ay tumayo na lang ako.

Nasaan ba kami?

Pinihit ko ang door knob at saka lumabas. Pagkalabas ko, nalaman ko na agad kung nasaan kami. Nasa mansion na naman kami. Sa mansion ng mga Parker.

"Oh! Buti naman nagising ka na? Ano ba nangyari sa inyo doon?" Bungad sa akin ni Rile. Sinarado ko ang pinto para makapagpahinga na sila at hindi pinansin si Rile. Bumaba lang ako hanggang sa mapunta ako sa kitchen at kumuha ng maiinom.

"Ehem! Nagtatanong ako. Sipain kaya kita sa bahay namin!" Sinundan pa pala ako ng mokong. Uminom muna ako bago ko siya prangkahin.

"Nasaan ang bahay mo, Rile?" Tanong ko habang tumitingin sa paligid. Pinanliitan naman niya agad ako ng mata.

"Inamo! Sa dinami-rami ng aasarin ako pa talaga! Tigil-tigilan mo nga ako." Oo. Naasar siya kapag nababanggit namin ang kayamanan nila. Ayaw rin niyang tinatawag na mansyon itong mansyon nila dahil bahay lang daw ito. May saltik sa ulo si Rile kaya pagpasensyahan na lang natin. 

"Nawalan ng malay si Lexi dahil sa pinaamoy sa kaniya tapos ayun sa sobrang lakas ko, napatay ko yung mga nakapalibot sa kaniya. Tapos biglang dumating si Zara, nagulat nga ako kasi biglang may lumipad na kutsilyo sa binti niya tapos nahihibang na yata ang kapatid ko dahil pinana niya yung lugar na walang tao. Tapos nakipaglaban ako sa mga lumalapit sa amin hanggang sa may bumaril kay Zara tapos kasunod non yung pagtilapon ko dahil sa malakas na pagsabog. Bakit nga pala may sumabog?" Pagpapaliwanag ko.

Let The Games BeginWhere stories live. Discover now