Special Chapter 55: Lexi

16 5 0
                                    

L E X I ' S  P O V

Nang makaalis sina Layla, Darcey at Zara ay sunod na akong bumaba. Nagulat na lang ako nang biglang lumitaw ang braso ni Owie pagkababa ko. Nandito pala siya?! Akala ko nasa loob siya.

"Good evening, Queen." bati niya sa akin. Napangiti ako ng malawak at saka kinuha ang braso niya at nagcling. Napansin ko rin na kasama niya pala si Aaron. Nang bumaba si Vannesse ay inalalayan siya ni Aaron at saka ako ngumiti sa kanilang dalawa.

"Let's go?" Ngumiti sila pabalik at saka na kami naglakad papasok sa loob.

"You look gorgeous." Napatingin agad ako kay Owie nang ibulong niya sa akin iyon. Pinalo ko siya dahil nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy sa katawan ko dahil sa titig niya sa akin.

"You look handsome as well, Mr.King." banat ko. Nanlaki ang mga mata niya at biglang ngumisi kaya napakunot ang noo ko.

"Mr.King, huh?" Sinamaan ko agad siya ng tingin at saka bumitaw at naglakad palayo pero agad rin niya ako nasundan at naibalik ang kamay ko sa braso niya.

"Don't tease me." Inis na sabi ko. Tumawa naman siya kaya siniko ko siya.

"Okay, okay. Let's get our seat." Papunta na sana kami sa mesa na inuupuan nila Darcey, Layla at Zara nang magsalita ako.

"Mamaya na, kain muna tayo."

"Huh? Mamaya pa magse-serve ng foods."

"Nagugutom ako, Owie. Kahit tingi-tingi lang."

"Are you serious?"

"Mukha ba akong nagjo-joke?" Taas kilay kong tanong.

"Okay, fine. Pero saan tayo kukuha ng pagkain?" Ngumiti ako ng nakakaloko at saka tinuro ang buffet sa gilid. Nanlaki naman ang mga mata niya.

"No no no no, kapag may nakakita sayo lagot ka."

"Salvaje-Thoron Highschool is different from other schools, remember? Walang kill joy dito." At saka ko na siya hinatak papunta sa buffet. Nakita ko pa siyang umiling-iling pero hindi ko na lang pinansin.

Kumuha siya ng maliit na plato at saka binigay sa akin. Nagpasalamat ako at saka ako kumuha ng marshmallows, chocolate fudge, pudding, tapos sa gilid kumuha ako ng konting chocolate sa may chocolate fountain tapos hinatak ko si Owie papuntang balcony at sinimulan lantakan ang mga kinuha ko.

"You're not hungry at all." Binigyan ko ng 'huh' look si Owie nang sabihin niya iyon.

"You just want to eat sweets." Nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang gilid ng bibig ko at parang pinunasan iyon.

"And you're a messy eater." Natawa ako sa sinabi niyang iyon. Pinunasan niya pala ang bibig ko gamit ang thumb niya.

Natigilan ako nang marealize ang ginawa niya. Nanlaki ang mga mata ko kasabay nun ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"What's wrong?" Tanong niya at nabalik ako sa diwa ko.

"N-nothing." Tumango siya at bigla kaming nakarinig ng tugtog. Sumilip ako sa dance floor at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Zara na nagsasayaw.

Let The Games BeginDonde viven las historias. Descúbrelo ahora