Chapter 9

27.6K 647 120
                                    

He's the Boss

This is my first day to work with the company AGAIN. Naalala ko dati hindi man lang ako nakatagal sa pagtatrabaho doon.

Maaga akong gumising hindi dahil excited ako kundi dahil aasikasuhin ko pa si Xyler.

Kahit nandiyan si Mom, Dad at ang Yaya niya ako pa rin ang nagprepare ng breakfast at nagpapaligo sa kanya. Siguro nasanay na talaga akong kaming dalawa ang magkasama.

After ko siyang bisihan ay nagbihis na rin ko at nag-apply ng konting make-up.

"Let's go baby" Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming lumabas ng kwarto.

"Pakabait ka kay Lolo at Lola hah, may gift ka kay Mommy araw-araw kapag goodboy ka" Sabi ko habang pababa kami ng hagdan.

Mabuti na lang at hindi ako masyadong nahirapan kay Xyler, gabi gabi ko kasing sinasabi sa kanya na kailangan kong magwork at mukhang okay naman sa kanya.

Nagulat lang ako kanina ng umiyak siya, gusto pala niyang sumama mabuti na lang at gumaan din ang loob niya ng sabihin kong mamasyal silang tatlo ni Mom at Dad.

"Okay Mom, pwomise.." Nakangiting sagot niya.

Sa sala namin naabutan si Mom at Dad na naghihintay saming dalawa.

"Oh! Ang pogi pogi naman ang apo" Sinuotan ko din kasi siya ng isang business suit kaya gigil na gigil ang reaksyon nilang dalawa ng makita si Xyler.

"The future CEO" Pagbibiro ko.

"Mom, Dad alis na 'ko, please take care of my baby boy"

"Sure honey, goodluck" Si Mom.

Si Dad naman ay tinapik ang balikat ko at seryosong nagsalita.

"I know you can do better than me, matalino ka. Siguradong hahanga ang board sa'yo" Biglang naman akong nakaramdama ng hiya sa sinabi niya.

Sana nga ganun ang mangyari pero may kutob akong hindi magiging madali sakin 'to.

"Sana Dad, and don't worry I've learned a lot from you, hindi ko hahayaang mapahiya ka" Paninigurado ko sa kanya. He smiled at niyakap ko naman siya agad.

"Bye baby, don't eat too much chocolates" Bilin ko, bumungisngis naman siya at yumakap sakin.

"Bye Mom I yove you *mwa" I hugged him back at pinaghahalikan ang mabibilog niyang pisngi..

"I love you baby" Parang ayokong bumitaw sa yakap niya, hindi pa ko umaalis namimiss ko na siya. Sa office walang maingay, walang mag-lalambing sakin at lalong walang magpapasaya kapag nalulungkot ako.

Mabibigat ang mga paang humakbang ako palabas nang bahay. I glance at him once again and he's waving his hand.

Ang work kaya ko pero sana makaya ko ring harapin ang Daddy niya araw araw.

Tuloy tuloy akong pumasok ng kotse  at nagsimulang magmaneho.

It took almost 15 minutes bago ako nakarating sa parking ng building.

Biglang akong kinabahan, I calm my self first before going out of the car and start walking with confidence toward the glass door.

Napaghandaan ko na 'to and I'm sure everything will went well.

A Hot Night with Mr. CEO [AHNWMCEO]Where stories live. Discover now