Chapter 12

25.4K 555 71
                                    

Forgive and Forget

"Mommy!" Narinig kong sigaw ni Xyler mula sa labas ng bahay. Naglalaro siya dun kasama ang yaya niya habang heto naman ako at nkaharap sa laptop ko.

May importanteng bagay lang kasi akong dapat tapusin, kaya kahit weekend ngayon, napilitan akong magtrabaho kahit dapat sana nakikipag bonding ako kay Xyler.

Hinihintay ko ring tumawag si Adam, kasi sabi niya dadalawin niya si Xyler ngayon pero hindi naman siya nagparamdam.

Hanggang ngayon napapangiti pa rin ako tuwing naiisip 'yong pangalawang pagkikita nilang dalawa, 'yong una daw kasi 'yong sa grocery store.

Natutuwa ako kasi kahit papaano hindi naging mahirap para sa kanya ang makuha ang loob ni Xyler. Mukhang ayaw pa nga niyang umuwi kahapon kung hindi lang nakatulog si Xyler sa balikat niya.

Hindi kasi talaga sila tumigil kakalaro lalo na at hindi biro ang mga pinamiling laruan ni Adam.

"Mommy!" Muling sigaw nito. Nakangiting in-off ko 'yong laptop ko at pinuntahan si Xyler.

Mas importante ang baby ko kaya,wala akong pakialam kong hindi ko man matapos ngayon 'yan.

Sabi ko sa sarili ko at mabilis na hinanap si Xyler.

Paglabas ko ng bahay nakita kong may ka holding hands na na batang babae si Xyler. Si Yuri, kasunod naman nila si Bhambie. Mukhang sinundo niya ang mga ito mula sa gate habang inaalalayan siya ng yaya niya.

"Mommy Yuyi oh!" Masiglang pahayag nito ng makita ako.

I smiled at them at kaagad silang sinalubong. I kissed Yuri's cheeks at ganun din kay Xyler na walang kasing lapad ang ngiti kasi may kalaro siya.

Napatigil naman ako sa harap ni Bhambie. Naalala kong 'nagalit' ako sakanya dahil hindi ko inaasang maglilihim sa'kin ang bestfriend ko. Past tense talaga ang ginamit ko dahil hindi ko naman kayang makimkim ng galit sa kanya, tampo siguro oo.

Tahimik lang kaming dalawa at parehong nahihiyang magsalita.

Napansin ko mukhang nangayayat siya at medyo maputla. Ilang linggo pa lang naman kaming hindi nagkikita ah.

Maya-maya lang ay narinig ko na siyang humihikbi. Hay sira talaga.

I hugged her.

"So sa ating dalawa mukhang ako pa ang nagmumukhang may kasalanan" Pagbibiro ko sa kanya.

"Waaah Sorry Ahmira, ang sama kong bestfriend, pero trust me ginawa ko lang naman 'yon kasi gusto kong magkita kayo ni Adam, alam mo namang team Adam ako forever" Umiiyak pa ring sabi niya.

Napailing na lang ako at hinagod ang likod niya.

"Alam mo nakakainis ka, galit ako sa'yo dahil hindi ka man lang nagpakita sa'kin pagkatapos ng nangyari. Kung sana nagpakita ka ng mas maaga edi matagal na tayong nagkausap" Kunwaing galit na sabi ko at kumalas mula sa yakap niya.

A Hot Night with Mr. CEO [AHNWMCEO]Where stories live. Discover now