Chapter 11

25.6K 581 69
                                    

That Awkward Moment

It was exactly 5 o'clock in the afternoon nang matapos ako sa ginagawa ko. Adam is surely waiting for me outside.

Nang magkausap kasi kami noong nakaraang araw after the meeting, napagkasunduan naming ipapakilala ko siya kay Xyler, basta pagkatapos nito sisiguraduhin niyang bibigyan niya palagi ng oras si Xyler. For sure kasi hahanapin siya nito lagi and besides it was for his own good para mabilis mapalapit ang loob ni Xyler sa kanya.

Sinabi ko din ito kay Mom at Dad, at sinabi nilang tama lang ang naging desisyon ko. Ako daw ang mas nakakaalam kong ano ang makakabuti para kay Xyler, kaya susuportahan nila kung ano ang gusto ko.

I switched off my laptop at agad na binitbit iyon pati na ang bag ko.

Nang makalabas ako sa office, nadaanan ko si Agnes sa table niya na nag-aayos din ng kanyang gamit.

"Hey, pauwi ka na rin ba?" Nagulat pa ito ng makita ako.

"Oo, alam mo Ahmira thank you talaga kanina, nakakahiya talaga iyon." Nakangusong sabi niya.

"Ano ka ba, it's okay tapos na 'yon" Nakangiting pahayag ko.

Maya maya ay natapos din siyang magligpit. Masaya kaming nag-uusap habang naglalakad sa lobby ng biglang maramdaman kong nagvibrate ang phone ko.

Agad kong kinuha iyon at tiningnan kong sino ang nagtext. Si Adam pala, hanggang ngayon hindi ko pa naisave ang number niya. I read it at tahimik akong napangiti.

Where are you, kanina pa kita hinihintay dito sa labas ):

May sad emoticon pa talaga .It's 5 minutes after 5'oclock pa lang naman, for sure sa sobrang paagkaexcite lumabas siya ng mas maaga.

Hindi na ako nagreply at ibinalik ang phone ko sa bag.

"Maghintay ka!"

Sa isip ko lang sana iyon pero hindi ko napansin na nasabi ko pala ng malakas. Nagtatakang nilingon ako ni Agnes.

"May problema ba?" She asked.

"Ah wala.iyong kaibigan ko nagtext" Sagot ko at pilit na ngumiti.

Nang makalabas kami ng building agad na hinanap ng mata ko si Adam. And shoot! There he is, leaning on his car at halatang bagot na bagot na.

"Hmm.. Ahmira mauna na ako, thank you ulit"  Sabi niya nang may tumigil na taxi sa harap namin.

"No problem, ingat ka" Nakangiting sagot ko. Pinanood ko muna ang taxi hanggang sa makalayo ito bago lumapit kay Adam.

"What took you so long?" Salubong ang mga kilay na tanong niya nang makalapit ako sa kanya.

Napatingin ako sa relo ko, 5:15 pa lang.

"May tinapos lang ako and look 15 minutes late pa lang ako. Sino ba kasi ang nagsabing maghintay ka ng maaga, at sana dinaanan mo na lang ako kanina kung talagang nagmamadali ka." Natahimik siya. Kasi tama ako kaya hindi siya nakasagot. Napangiti ako sa naisip kong iyon.

A Hot Night with Mr. CEO [AHNWMCEO]Where stories live. Discover now