Chapter 10

22.8K 480 15
                                    

Perverted CEO

I was in the office reading some important files when Agnes suddenly came along with a bouquet of red roses.

"Hi Ahmira, may nagpadeliver pala ng flowers para daw sayo" Tumigil muna ako sa ginagawa ko at nag-angat ng tingin.

"Kanino galing?" Nagtatakang tanong ko. Wala naman akong inaasahang magbibigay nito bukod kay...

"Hindi po sinabi eh, pero meron namang card" She said smiling. Tumango lang ako at tumayo para kunin 'yon mula sa kanya.

"Thank you" Sabi ko ng kunin ko 'yong flowers, napangiti ako dahil mukhang alam talaga ng nagbigay ang paborito kong bulaklak.

I read the card at hindi nga ako nagkamali ng inakala. Galing kay Bryan.

Ahmira I'm sorry kung hindi tayo nakapag-usap, busy lang ako ngayon but I promise babawi talaga ako sa inyo ni Xyler. I love you!

-Bryan

So maybe tinutukoy niya 'yong nangyari sa'kin sa event, pagkatapos kasi nun hindi na kami nakapag-usap.

Hays kahit naiinis ako sa kanilang dalawa ni Bhambie dahil hindi man lang sila nagpakita pagkatapos nung nangyayari mas nangingibabaw pa rin 'yong pagkamiss ko sa kanila.

Kung tutuusin si Adam naman talaga ang may gustong ilihim sa'kin kung ano siya ngayon.

Napailing ako. Ayoko munang isipin ang bagay na 'yon sa ngayon. Okay na sa aking maayos kaming nakakapag-usap at si Xyler lang talaga ang gusto kong pagtuunan ng pansin.

I read the card once again and I flushed seeing the last three words.

Hindi ko namamalayang nakangiti na pala ako. He's always telling me that he loves me pero hanggang 'thank you' lang ang kaya ko isagot sa kanya, and I'm realy thankful na naiintindihn niya ko.

"Sa boyfriend mo?" Biglang tanong ni Agnes na nakatayo pa rin pala malapit sa pinto.

"Hehe Sorry Ahmira, iba lang kasi ang ngiti mo"
Nanunuksong sabi nito.

"Nah, wala akong boyfriend. This is just from my friend, a very close friend" Simpleng sagot ko.

Tumango lang siya at nahihiyang ngumiti.

"Sige Ahmira, mukhang nakakadisturbo na 'ko. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka" She's about to leave my office ng tawagin ko siya.

"Hmm can we talk for awhile ?" Agad siyang napatigil at mabilis humarap sa'kin.

"Gosh bakit may problema ba? May nagawa ba 'kong mali. Sorry sana hindi ko na lang tinanong 'yon" Sunod sunod na pag-eexplain niya, kita sa mukha niya ang sobrang kaba.

Pero kaagad di namang maliwalas ang mukha niya ng makitang tumawa ako.

"Bakit naman ako magagalit, may gumugulo lang kasi sa isip ko and I think mas mabuti siguro kung hihingi ako ng opinyon ng iba, your opinyon to be exact, if it's okay?" Tumatawang sabi ko.

A Hot Night with Mr. CEO [AHNWMCEO]Where stories live. Discover now