Volume 1: Prologue

9.1K 247 128
                                    

PAGKADATING KO sa aming club ay agad na bumungad ang mga kasamahan kong lima.

"Nakatanggap ka na ba ng sulat?" Agad na pambungad ni Mark, ang puma-pangalawang lider sa aming club. Agad naman na sumagot ng sabay sabay ang mga kasamahan namin ng "oo"

"Nakatanggap na ba kayo ng death note?" Taimtim na tanong ko sa kanila, ngunit ang ilan sa kanila'y ang sagot ay "death treat pwede pa siguro."

"Nakakita na ba kayo ng multo?" Tanong ni Lim, at um-oo naman ang lahat.

"Takot ba kayo sa dilim? Kasi ako oo!" Saad ni Aria na agad tumaas ang balahibo pagkatapos no'n ay niyakap niya ang kanyang sarili.

"Gusto niyo bang maglaro?" Naka-ngiting tanong ni Anne at nagpalitan kaming lahat ng tingin at napatango.

"Kung ganoon naman pala ay..." kasabay nito ang pagkuha ko ng isang sobre na galing sa aking bag.

Binuksan na ito ng mga kasama ko at ang nakasulat ay 'LET THE GAMES BEGIN'

Pagkatapos ay binasa nila ng seryoso ang likurang parte ng sulat.

'Kung handa na kayong maglaro ay simulan na natin. Tumingin sa paligid baka nandiyan na ang simula ng laro.'

###

A/N: Greetings! Sa lahat ng mambabasa ng aking kuwentong ito. Let me just remind you po. The full volume 1 will be edited. There will be a sudden changes from the chapters.

This is a Mystery/Thriller story. I hope na suportahan niyo po ito. Vomments are highly appreciated!





Let The Games Begin #WG2k17Awards #ms17 (On-Going)Where stories live. Discover now