Vol 2. Chapter 1: Lost Memory (Part I)

484 16 1
                                    

A/N: Hi readers and fellow writers! I'm back on track. Matagal ko nang nadetermine na hindi pala horror story itong pinasok niyo, but it's more on Mystery, So let the mystery begins!

Dedicated to AkoSiIbarra

------------


HAWAK hawak ang aking paboritong coffee, pabalik sa Club  para tignan kung ano magagawa roon. Sa tahimik at payapang araw ng Huwebes aakalain mo talagang payapa, pero base sa prediction ko, mukhang may magaganap na namang ingay ano mang oras mula ngayon.

PAAAAAAK!

"Hayop ka! Walang hiya ka! Inagaw mo siya sa akin!" And there the noise started. Maraming estudyante ang nagsilabasan mula sa kanilang mga silid upang manuod ng mala-pelikulang away. Ni isa sa mga manonood walang nagtangkang pakialaman ang dalawang babaeng nag-aaway.

Ang tanong bakit pa nila kailangang pag-away-awayan ang pag-ibig na 'yan? Hays. Wala namang forever eh.

Agad akong umakyat patungong ikatlong palapag, nadaanan ko pa nga ang miyembro ng iba't ibang clubs na mukhang abala sa kani-kanilang obligasyon na panigurado'y importante. At kailan pa ba hindi naging importante ang obligasyon ng bawat miyembro ng mga club?

Nasa pinakadulo sa bandang kaliwa ng Academy. Hindi matao ang lugar na ito. Tahimik gaya ng gustong gusto ko.

Pagkapasok ko sa loob ng silid ay agad akong umupo sa paborito kong spot. Dito sa aking swivel chair.

Dinampot ko naman agad ang isang puting folder na naglalaman ng iba't ibang klase ng cases na nangyari noon.

Bubuksan ko sana ito, pero hindi ko tinuloy. Hindi ko kayang basahin ang laman ng sulat.

Agad kong liningon ang kabuuan ng silid. Ang white board na puno ng mga sulat sulat na codes. Ang desk kong may nakapatong na bond paper na puro resulta ng mga natapos ko nang imbestigahang mga kaso noon.

Hihigop na sana muli ako ng paborito kong coffee ng biglang may kumatok sa pintuan. Inaabala na naman nila ang mapayapang araw ng Huwebes ko.

Agad na bumukas ang pinto, at may isang lalakeng palinga-linga sa loob.

"Dito po ba ang Q.E.D Club?" Tanong niya na parang nahihiya pagkatapos buksan ang pintuan.

Hindi ko na inabalang paupuin siya. May upuan naman sa harapan niya, so it's up to him if he'll take a seat or not.

"Yes, it is. What I can do for you?" Tanong ko habang hindi siya tinitignan. I'm busy for other matters, but that doesn't mean that I am cold like others when someone needs my help.

Agad siyang yumuko at nagsimulang namuo ang luha sa mukha niya. Hindi pa siya nagsisimulang magsalita, luha na agad? Is this a drama or a RomCom?

Kay lalaki ng taong ito, umiiyak na agad. Only if I know pag lalake ang umiyak weak sila. No offense, but it's the truth.

"Ganito kasi 'yan, Anniversarry sana namin ng girlfriend ko bukas, pero nung pumasok ako sa unit niya. Nabigla nalang ako dahil, nakatali ang kanyang leeg sa may kisame ng unit niya." Umiyak muli siya at hindi inabalang punasan ang luha.

"Pero, ang mas pinagtataka ko ay may naiwang puting papel sa bulsa ng short niya." Kung kanina ay parang hindi ako interesado dito, dahil tungkol ito sa love, pero nabuhayan yata ang sistema ko ng may sinabi siyang tungkol sa isang note.

"Spread the beans." Saad ko at tinuloy niya, nakita kong ngumiti siya ng kaunti at tinuloy ang sasabihin. "Ang pinagtataka ko sa isang puting papel, hindi 'to yung normal na naisusulat na handwritings natin kundi parang more on symbols siya." Napakunot-noo naman ako, but I still manage to listen.

"Do you have a copy of that note?" He handed me a xeroxed copy of that note and it turns out like this.

YAGINIB OK TAHAL AS OYI, OREP ALAWELANIB OM GNAMAL OKA AN GNARAP ARUSAB. ORUGIS SAM AYAGILIL AK AS GNILIP GN ABI OLAL AN GNUN ATIKAM GNOK YAM GNABI EABAB GNAK AMASAK. EYB. I LLITS EVOL UOY.

AIRA-

"Babalik na lamang ako bukas para malaman ang progress ng tungkol sa liham na iyan. Pasensya na sa abala Kesia." At agad kong narinig ang tunog ng pagsara ng pintuan.

Iniwan niya din ang numero niya kahit hindi ko sinabi. Te-teksan nalang daw niya ako. Pag pupunta siya dito, baka raw kasi maabala niya muli ako.

Muli kong tinignan ang note at tinignan ang pangalan sa huli.

It's Aria! Agad kong nabitiwan ang note, wait! Could it be her? Agad akong umiling ng maalala ko ang mga pangyayaring iyon, no it is not her. Impossible, she's not involve in this letter.

Lumabas na ako sa Club upang umuwi pabalik ng dorm.

I'm still left wondering and clueless if who is that girl. There's a lot of question in my head right now.

Basta ang alam ko na lamang biglang nandilim ang paligid ko, pero bago iyon ay may katanungan sa isip ko.

Aria, who are you?

###

A/N: Okay guys! Haha! 800 words muna, next time ko nalang papahabain ang update.

Any idea kung kanino ang POV na ito? Ang makakahula ay siya ang imemention ko sa next chapter.

And, sino nga ba si Aria?

Let The Games Begin #WG2k17Awards #ms17 (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon