Chapter 12: Sulat

368 17 6
                                    

Late UD guys. Pasensya na sa mga naghihintay nang matagal sa UDs ko. I told you naman eh isisingit ko lang ang sched ng pag UD ko sa mga stories ko.

Announcement: Yung unang UD ng Chapter12 noon INCOMPLETE. Kaya sa mga nakabasa numg unang UD. Eto po ang COMPLETE UPDATE na. Rinepost ko po siya and COMPLETE UD to ng chapter12:)

So lets start na.

Read and Enjoy Guys!

-----------------------
Lim's POV

Nabitawan ko agad ang hawak kong envelope na may linalamang sulat dahil sa nakita kong multo kanina.

Oo, sanay nakong makakita ng mga multo at sulat pero kakaiba ang nasa sulat na toh. May halong kaba akong nararamdaman dito.

Kaya naman binuksan ko ang sulat at tumambad sa papel ang nakasulat na...

'Huwag madaliin lahat ng pangyayari, dahil baka di mamalayang buhay ng isa ang kapalit.'

Yan ang nakasulat dito diko alam pero parang may kakaibang pinapahiwatig ang liham o mensahe ng papel na toh.

Nag iisip ako ng pwedeng ipahiwatig nito ngunit nabigo ako dahil sa isang malayong parte ng Black Mini Park.

May isang anino ng babae na nagmamasid sa di kalayuan. Naka tingin siya sa direksiyon namin paano kaya kung kami ang pakay niya? Ngunit nabigla ako ng biglang binanngit ni Aria ang pangalan ko. Dahilan upang makuha niya ang atensyon ko.

"Lim, may iba ka pabang nalalaman tungkol sa liham na ito?" Seryoso at madiin na tanong sakin ni Aria. Makikita mo sa mukha niya na lumalabas na naman ang totoong anyo niya. Ang talagang pagiging detective niya.

Paano kaya kung ang nakita kong anino ay si AxEn?

Pero papaano naman kung mali din ang hula ko?

Pero basta parang may kakaiba sa aninong yun kanina na diko masabi sabi.

"Lim?" Paulit niya sa tanong. Ngayon ko lang napagka alamang lutang na naman pala ang isip ko.

"H-ha? W-wala na. W-wala na akong alam tungkol sa liham na yan." Siguro kelangan ko munang itago ang mga nabubuong konklusyon sa utak ko, tsaka ko lang sasabihin siguro kung medyo ayus na ang lahat.

Nakakahiya naman lutang na pala isip ko sa harapan nila Aria?

Napagpasyahan rin naming maglibot libot pa nagbaba sakaling may makita pa kaming bakas na naiwan o mga clue na makakatulong sa amin sa paglutas dito kung paano napatay si Triks.

Habang naglalakad ako ay nag iisip ako.

Sino kaya si AxEn? Anong kelangan niya samin? SINO ang pakay niya? At ang panghuli BAKIT niya ginagawa toh? Dahil sa curiosidad ko ay mukhang may nabangga ako.

Mukhang si Mark na naman ang nabangga ko at wala ba siyang balak tignan ang dinaraanan niya!?

"Mark! Ano ba partner tumingin ka nga sa dinaraanan mo!" Pasigaw kong bulalas at inangat ko ang aking ulo upang mapagtanto kung si Mark nga ito.

Pero imbes na postura ni Mark ang makita ko ay isang balat na kulay GRAY? At mukhang ang kuko nito ay matatalim at kulay itim ang kuko nito.

Napako ako sa aking kinatatayuan diko alam ang gagawin sa oras na toh ngayun lalo na't nasa harapan ko ang isang babae na kulay gray ang balat na may matatalim at maitim na kuko.

"LLLIIIIIMMMM!" Diko alam kung sino ang sumigaw kung si Anne ba ito. Dahil nga na pako ako sa aking kinakatayuan, nararamdaman ko nalang na nanginginig na pala ang katawan ko.

Let The Games Begin #WG2k17Awards #ms17 (On-Going)Where stories live. Discover now