Chapter 11: His secret

45 5 0
                                    


Joeu's Point of View.

"Matagal ko nang alam 'yan, Joeu." sabi ni Tita na nakangiti.

Medyo nagulat ako kasi ngumiti pa sakin si Tita. Akala ko, magagalit sya sakin. Diba ganun naman talaga 'yung mga magulang?

Nga pala, sinabi ko kasi kay Tita na may feelings ako kay Louise. Kaya ganun nalang ang expectation ko. Hindi ko alam kung bakit sinabi ko kay Tita 'to. May nagsasabi kasi sa puso't utak ko na sabihin ko sa kanya. Di ko nga lubos akalain na nakaramdam ako na nagkusa ang bibig ko na magsalita. Tsaka lang nag sink-in sa utak ko na nasabi ko na kay Tita 'yon. Siguro, kaya ko lang 'to nasabi kasi gusto kong ilabas at para kahit papaano, e hindi ko nasosolo 'yung sikretong pagtingin ko kay Louise.

Hindi pa 'to alam ni Mommy. Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sa kanya, but I'm going to tell her soon nalang. Ayoko din naman na magsikreto sa kanya. Basta sooner or later, sasabihin ko din sakanya 'to.

"Paano nyo po nalaman? Masyado po ba akong halata?" tanong ko.

Ganun ba ko kahalata? Pero bakit parang wala lang naman 'yon kay Louise?

"Para sakin, oo. Pero para sa kanya, hindi." sagot ni Tita tsaka uminom ng kape.

"Paano nyo naman po nasabi?" tanong ko.

"Dyan din kami nagsimula ng mommy mo. 'Yung care na naging extra care. Kaya alam na alam ko na noon pa na may pagtingin ka kay Louise. I think, even your mom smells that. Then for Louise, your extra care is just a normal care for a bestfriend because she's really used to it. Kaya wala na 'yon sa kanya. Nasanay na sya nung una pa na ganyan ka na kaya wala syang nararamdaman na kakaiba dun." sagot ni Tita.

Oo nga pala, 'dun din pala sila Tita nagsimula together with my parents. They're best of friends before na naging couples in the end. Kaya may alam sya about sa ganitong sitwasyon. Kinuwento kasi ni mommy sakin 'yung love stories nila. It's kinda cliche but amazing. Kasi hanggang ngayon, wala pa ding nagbabago sa samahan nila at bestfriends pa din sila ni Tita. At hindi sila naghiwa-hiwalay.

And about Louise, I think she's really used to it nga talaga. She thinks that it's just normal. Pero di bale na, balang araw malalaman nya din 'to.

"Siguro nga po, Tita." sagot ko nalang.

"So, what's your plan?" tanong ni Tita.

"Ano pong planong sinasabi nyo?" tanong ko na walang kaalam-alam.

Ano nga bang plano? Sabihin ba?

"Sasabihin muna o hindi muna?" tanong ni Tita.

Okay, now I get what she's talking about. Sasabihin ko na ba? O hindi muna?

Matagal ko na rin kasing iniisip 'to, e. Should i confess to her now or not? Pero ang iniisip ko 'yung what if's. Yes, that 'what if's'. May mga bagay kasi akong pinapahalagahan ng sobra at isa na dun 'yung pagkakaibigan namin.

Hindi ko na yata muna sasabihin. Hindi naman sa torpe ako pero mahirap na kung anong kakalabasan ng pag confess ko. Kasi baka after ko mag confess sa kanya, mailang sya sakin at layuan nya ko. Ayoko naman mangyari 'yun. Mas hindi ko kakayanin 'yon.

Mas okay pang itago 'yung nararamdaman ko para sa kanya kesa naman sa mailang at layuan nya ko dahil lang sa pag amin ko. Wala nang mas sasakit dun dahil isa sa pinakamahalagang bagay at nangyari sa buhay ko 'yung pagkakaibigan namin.

"Hindi po muna, tita." sagot ko.

Tama naman siguro 'to, diba?

"Why?" tanong naman ni Tita na mukhang curious.

You're Always In My Heart (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon