Chapter 18: Dance Competition Part 02

14 4 0
                                    

Louise' Point of View.

Natapos na ang competition kaya pumasok na kami ng van. Pinalabas na din kasi 'yung mga nagpapapictures sa kanila dahil may limit lang ang time dito sa Arena.

Didiretso na muna kami sa orphanage ngayon para ibalita sa kanila ang nangyari sa competition. Sa Lunes nalang din daw kami pumasok sabi ng Principal namin para kasabay ng pagcongratulate sa kanila.

Nag aayos na kami ng gamit dito sa loob ng van ng biglang may kumatok sa tinted window nito.

Agad akong napabalikwas at napaharap dun. Nakita ko na si Fukase 'yung kumakatok.

Anong ginagawa ni Fukase dito?

“Anong ginagawa ni Fukase dito?” tanong ni Danica na gayang gaya sa pag iisip ko.

“Oo nga. Anong meron?” tanong din ni Kyle kaya napatingin ako sa kanya.

“Baka naman may naiwan kayo sa backstage kaya nandito siya?” pagbabakasakali ni Ythan.

“Wala ah.” sagot ni Zoilo kay Ythan.

“Eh anong sadya niya?” tanong ni Joeu.

Agad kong binuksan ang bintana ng van at bumungad naman sakin ang pagod na mukha ni Fukase.

Anong ginagawa niya dito? Baka mamaya, mapagkaguluhan siya dito. Mahirap na.

“Mabuti naman at binuksan mo na.” sabi niya habang nakangiti sakin.

He's kinda weird huh. Ano nga bang sadya neto?

“Bakit ka nandito?” tanong ko sa kanya.

“Gusto ko lang naman magpaalam sayo. Goodbye, Louise. Ingat ka. Ingat kayo.” pamamaalam ni Fukase na may kasamang matamis na ngiti.

Ano 'yun? So, it means pumunta lang siya dito para magpaalam? Ang effort niya naman samantalang nagkausap palang namin kanina.

“Pawis na pawis ka, Fukase. Oh eto,” sabi ko tsaka inabutan siya ng tissues.

Kinuha niya naman ito agad tsaka pinunas sa leeg at noo niyang pawisan. Nakita ko kasing tagaktak ang kanyang pawis kaya inabutan ko na siya ng tissue. Malayo layo din kasi ang parking lot dito sa Arena kaya talagang pagpapawisan ka, idagdag mo na 'yung kainitan dito.

“Pumunta ka pa talaga dito 'noh? Osiya, salamat. Ingat ka din. Ingat din kayo.” pabalik kong pamamaalam sa kanya. Nginitian ko din siya ng pabalik.

“Hope to see you again. Mag-usap nalang tayo sa chat.” aniya sakin.

“Sige. Osiya, una na kami ha? May pupuntahan pa kasi kami.” sabi ko na may halong ngiti.

Napansin ko din kasi na nagsisignal na sina Joeu na aalis na kami. Nakakahiya sa kanila.

“Ah sige sige. Inaantay na din ako nila Yuan dun.” huli niyang sabi tsaka siya nag wave sakin.

Nag wave naman ako ng kamay ko pabalik sa kanya tsaka isinarado ang bintana ng van. Nagsimula naman ng umandar ang van papuntang orphanage.

Binalot ng katahimikan ang vam na sinasakyan namin. Parang kanina lang, ang ingay nito ah? Tapos ngayon, parang pinaglalamayan na.

Pasimple akong tumingin sa kanila at nakita kong nakatitig sila sakin lalo na si Joeu. Anong meron sakin? May dumi ba ko sa mukha?

“M-may dumi ba ko sa mukha, guys? Bakit ganyan kayo makatingin sakin?” tanong ko habang pinupunasan ang pisngi ko. Baka naman kasi may dumi ako sa mukha kaya ganyan sila makatingin sakin.

Hindi pa din sila umiimik kaya kinuha ko na 'yung salamin ko sa bag. Ayaw magsalita eh.

Tinignan ko ang mukha ko pero wala ni isang dumi ang nandun. Pero bakit nga ba sila nakatingin sakin? May problema ba?

You're Always In My Heart (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now