Chapter 19: Joeu's Departure

27 5 0
                                    

Louise' Point of View.

I woke up in my room without any emotion. I feel so tired since yesterday and yet, I'm sad because this day is the departure day of my buddy Joeu.

Knowing that Joeu will leave now makes my heart pale and broken. I'm not really used to this. This is so hard for me because he's my one and only bestfriend in my whole life. Knowing that he will be far to me, is not bringing any comfortable feeling to my heart.

I looked to the clock and it's 8:45 in the morning. So, I got up and prepare because their departure time is 10:30 am. I don't want to be late.

Kailangan ko ng magprepare.

Pumunta agad ako ng CR para maligo. Pagpasok ko, napaharap ako sa salamin. Habang nakatingin ako sa salamin, nagbabalik lahat ng alaala namin ni Joeu.

Parang isang projector ang salamin na kaharap ko ngayon dahil kitang kita ko lahat ng mga moments namin na magkasama.

At dahil dun, di ko akalain na tumutulo na yung mga luha ko. I quickly wiped my tears and go inside to take a bath.

Hindi pa alam ni Joeu na sasalubong ako sa pag-alis nila. Tinanong niya kasi ako nung panahong gumagala kami.

“Pupunta ka ba sa airport pag-aalis na kami?” tanong niya sakin habang nakangiti pero alam kong malungkot siya habang tinatanong niya sakin 'yun.

Kilala ko si Joeu. Mula sa tono ng boses hanggang sa kaloob-looban niya. We've been together for how many years and it's impossible if until now, I don't know the real him.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko siya sinagot bagkus nginitian ko lamang siya. Isang ngiting aakalain mong matamis pero ang totoo ay mapakla.

Ayokong sagutin 'yung tanong niyang iyon dahil dapat sa araw na 'yon, hindi namin pinag-uusapan ang pag-alis nila. Ayokong malungkot kaso mahirap talagang kontrolin. Pero hangga't kayang maging masaya, tuloy lang.

“Tara na! Bakante na 'yung extreme tower!” pag-iiba ko ng usapan. Hinila ko siya at nagpahila na lamang siya.

Natapos na ang pagligo ko kaya naman lumabas na ko ng CR. Nagbihis muna ako ng pambahay tsaka bumaba. Baka kasi hindi ako paalisin ni Mama kapag di ako kumain ng umagahan.

“Good morning, anak. How's your sleep?” tanong ni Mama sakin.

“It's fine, Ma. Good morning din po.” pinilit kong ngumiti para di mapansin ni Mama 'yung lungkot ko.

“Eat your breakfast now. Favorite mo pa naman 'yan. Don't be sad. Kilala kita.” nakangiti niyang sambit.

Napangiti nalang ako. “Thank you, Ma.”

Nag pray muna ako bago kumain. Sumubo ako ng isa at ngumuya ng dahan dahan. Wala talaga akong gana kahit paborito kong breakfast ang nasa harap ko.

Kinain ko na lamang 'yon tsaka umakyat sa taas. Di ko na nakita si Mama dahil hindi ko alam kung nasaan siya. Baka nandun siya sa garden at nagtatabas ng patay na dahon.

Nag-toothbrush na ko tsaka nagsimulang magbihis. Ang tagal ko din palang kumain. Halos 30 minutes akong nasa hapag kainan samantalang isang platong pagkain lang naman ang kinain ko.

Nagsuot lang ako ng simpleng pink t-shirt tsaka black pants. At binagayan ko ng paborito kong converse na black.

Bumaba na ko tsaka kinuha 'yung tinago kong gummy bears na nakalagay sa isang tupperware. Mahilig sa gummy bears si Joeu kaya gusto ko siyang padalhan nito. Kahit man lang dito, maparamdam ko sa kanya na mahalaga siya sakin.

You're Always In My Heart (SLOW UPDATE)Onde histórias criam vida. Descubra agora