Chapter 20: Earth, why?

14 1 2
                                    

Louise' Point of View.

4:30 am

Monday. Another day of class. A new day. A lonely day.

Well, wala talaga akong gana pumasok ngayon pero kailangan pumasok dahil mapapagalitan ako ni Mama. Tsaka sayang din ang tuition fees na binabayad ko every month. Pero sana lang, sa pagpasok ko ngayon ay may ma-catch up akong maayos na lessons lalo na't sobrang nalulungkot talaga ako ngayon.

A day without him is like eating sushi without wasabe. No fun, no taste. Non sense but need to deal with it.

Nagprepare na ko para sa pagpasok ko ngayon. Just a normal preparing.

Kumain muna ako ng umagahan. Mukhang tulog pa si Mama sa oras na 'to dahil wala pa siya dito sa dining room.

Nakita kong naghahanda ng breakfast si Yaya Lina, nginitian niya ako nang makita niya ako.

Ngumiti lamang ako ng pabalik sa kanya tsaka bumati.

"Mukhang matamlay ka, Louisse?" tanong sakin ni Yaya.

Masyado ba kong obvious? Oh.

"A-ay hindi naman po, inaantok pa po kasi ako." sagot ko sa kanya tsaka ngumiti ng pilit.

"Ay sus. Alam ko naman na hindi 'yan ang rason. Hindi mo ako maloloko, nak." sagot niya sakin.

Hindi na lamang ako umimik dahil totoo naman. Bakit kailangan ko pang itago, diba?

"Masasanay ka din, nak. Atsaka babalik naman si Joeu, wag kang mag-alala. Isipin mo nalang na may kailangan lang siyang tapusin 'dun para maging successful siya." sambit niya tsaka nagthumbs up sakin.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kahit papaano, gumaan naman ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Nakakatuwa na magkaroon ng Yaya na gaya niya, nila. Para ko na talaga silang pamilya.

"Salamat po." sabi ko.

Nagpatuloy na ko sa pag kain ko at nang matapos ako, umakyat na ko pataas sa kwarto ko.

Chineck ko muna ang gamit ko sa bag ko tsaka pumasok na ko sa CR para maligo.

Daily routine lang naman. Kumain, maligo at mag-ayos ng sarili then voila! Tapos!

Sumakay na ko sa kotse papuntang university.

Nakinig lang ako ng tugtog habang nagbabyahe kami papuntang university.

'Waenji oneulttala ma-eum-i apeunji haessdeoni~
Oneul-eun geudaega nal tteonaganeun nal-ilaeyo~
Wae hangsang naneun ileohge oeloun salang-eul haneunji~
Domuji ihaega anganeun isanghan nal-ieyo~

Ang ganda naman ng kantang ito. Napaka-smooth ng flow.

'Wae geulaessneunji mudgo sipjyo nal salanghagin haessneunji~
Geulaessdamyeon wae nal an-ajwossneunji geuleohge yeppeohaessneunji~

Naman ileon sesang-eul salgo issneun geos gat-ayo~
Balabogiman hada pogihal suneun eobsgessjyo~
Geundedo ileohge apeun ma-eumman gajigo saneun geon~
Domuji bulgongpyeonghaeseo gyeondil suga eobs-eoyo~

Please come back to me~
Yeah yeah umm yeah~'

Nakatingin lang ako sa labas ng kotse habang sinasabayan ang kanta na nagple-play sa earphone ko.

Kamusta na kaya siya? Kailangan ko nga talaga sigurong mag adjust muna sa ngayon. Hays.

Nakarating na ko sa university.

You're Always In My Heart (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now