053

678 42 23
                                    

{ p a t c h }

nasa sala kami ngayon ni sehun at mukhang awkward pa kaming dalawa sa mga nangyari noong mga nag-daang araw. ang tatay ko nakabantay sa may kusina samantalang ang nanay ko naman ay nagsasandok ng kanin para daw doon sa isaw na dala ni sehun. yun nalang daw ulamin ko tutal konti lang daw nailuto niyang munggo. thank you ma, lab u beri mats.

inihain na ni mama yung kanin sa amin sa sala at kumain na raw kami. wow naman sa sala kami kakain. parang wala kaming dining room ano?

"namiss mo ba ako babe?" nagulat ako nang nagsalita itong katabi ko. kilala niyo naman siya 'di ba? jok lang.

umiwas ako ng tingin, "b-babe? anong babe?! puro ka babe. syempre hindi kita namiss," syempre joke lang ulit. kailangan pabebe muna. hehehe. oo, miss na miss kita. sobra.

kumuha ako ng isang stick at kumagat na, "kumain nalang tayo," sabi ko habang ngumunguya.

tinignan ko siya at nakita ko siyang nagsmirk. "o sige, sorry kung isaw lang ha?" tinignan niya ako at ngumiti siya, "sa susunod may bulaklak naman. alam ko kasing ayaw mo ng mga chocolates eh."

ngumiti ako ng alanganin, "ha eh- 'wag na. abala lang ako eh." kumuha ako ng isang stick at binigay sa kanya, "dami mong sinasabi kumain ka na nga lang- oh ayan!" syempre kailangan kong i-control ang feels ko. cold dapat ako. juice colored ang hirap maging cold ah!

bigla naman siyang tumawa at kinuha nalang yung stick ng isaw sabay kagat dito. tinignan naman niya ako ulit at tinitigan nalang ako. 'wag kang ganyan please. natutunaw ako.

"usap tayo? sa may gate niyo?" tanong niya sa akin na parang nag-aalangan. tumango nalang ako at nagpaalam na saglit lang kami sa labas. ang nanay ko na #-1 shipper namin ay um-oo agad.

nang makalabas na kami, hindi ko maiwasan na hindi tumitig sa kanya. na-iilawan kasi siya ng buwan at ng mga bituin. mukhang napansin ata niya na nakatitig ako kaya umiwas na agad ako ng tingin. "ano yung pag-uusapan natin?" tanong ko nalang para 'di na niya ako tuksuhin na nakatitig sa kanya.

"wala naman," tinignan niya ulit ako. "gusto ko lang na titigan natin yung mga bituin. tagal na kasi natin 'to hindi nagagawa eh." bakas sa boses niya na parang nalulungkot siya at namimiss niya yung mga ginagawa namin noong kami pa. kahit din naman ako, namimiss ko rin.

"kung hindi ako siguro umalis noon hindi siguro mangyayari 'tong mga nangyari sa atin," ngumiti ulit siya pero halata ko na pilit lang. "pero hayaan na natin 'yon. binigyan mo naman ulit ako ng chance eh. masaya na ako ulit," pagka-sabi niya non ay bigla niya akong niyakap. ramdam ko na ang bilis ng tibok ng puso ko. nararamdaman ko rin yung tibok ng puso niya.

pero yung scent niya, shems. jev, ano ba ang gamit mong pabango? blackwater ba? ang bango mo huhu. samantalang ako, 'di pa ako naliligo. hehe.

"'wag ka munang kumalas sa yakap, oh? please?" akala yata aalis agad ako kaya nakiki-usap ang mokong, syempre hindi 'no! savor the moment ang peg ko. hihi.

hindi ko naman inaasahan nang halikan niya ang noo ko at niyakap ulit ako. "saranghae, hindi na kita pakakawalan ulit." seryosong bulong niya sa akin habang yakap yakap parin ako.

pero ano muna yung saranghae?

- - - - - - - - - - - -
ayos lang ba tong chapter na to huahauah
buhay pa ba kayoooo pagkatapos nyong basahin to? lol hahahaha
landi nila huhuz

treacherous | o.shWhere stories live. Discover now