064

576 28 0
                                    

[ p a t c h ]

kasalukuyang nasa park kami ni sehun malapit sa school. dito nalang namin pinili mag-usap dahil bukod sa konti lang ang tao, madalas kami noon dito.

"kinausap ka pa ba ulit ni eunice?" malumanay na tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa swing.

umiling ako, "hindi eh. pero siguro hindi ko na muna siya kakausapin," sagot ko sa kanya. "hindi ko alam pero hindi ko siya feel," dagdag ko sabay upo sa swing.

umupo na rin siya sa katabi kong swing,"babe, kahit hindi mo siya feel minsan mas maganda pag-usapan 'to."

"kinausap ka na rin ba niya? ano ipinaliwanag niya sa'yo? pwedeng paki-kwento nang may alam ako?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. ewan ko pero napipikon ako kay eunice. nag-sorry pa siya nung una tas sorry ulit ngayon? sorry din pero hindi dapat over used ang paggamit sa word na "sorry". mawawalan kasi ito ng halaga eh. at isa pa, hindi kasi ako yung tipo ng tao na mabilis magpatawad. ako rin yung mataas ang pride, at mabilis mawalan ng pasensya. hindi ko alam kung bakit ako ganito at bakit minahal pa ako ni jev.

"nag-sorry din siya. trust me, pinagsisihan niya na lahat. kilala ko si eunice, sana maniwala ka sa akin," paliwanag niya sa akin habang nakatitig lang sa mga mata ko.

bumuntong hininga muna ako. "jev, sa totoo lang, naguguluhan na ako. simula nung naka-chat kita, ang daming revelations. at sa totoo lang hindi ko na rin alam kung ano pa ang paniniwalaan ko," pag-amin ko sa kanya. totoo naman eh. sa totoo lang hindi ko alam kung tunay na ba itong ipinapakita ni eunice. hindi ko alam kung totoo pa rin ba talaga na mahal ako ni jev. ang dami kong doubts.

hinawakan niya ang pisngi ko, "maniwala ka lang sa'kin, patch. i'll make us work." ramdam ko ang sincerity sa boses niya, but still i know that there are a lot of things na hahadlang sa amin.

hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko, "jev, is it wrong that i'm having doubts?" bulong ko sa kanya. kasabay naman nang biglang pag-kunot ng noo niya.

"yes, because just trust me and my love for you. hinding hindi magbabago 'yon kahit sino o ano pa ang maghiwalay sa atin," he assured me. tae, ang galing sa words ni jev. mamamatay ako nang nilalanggam.

"k. kakausapin ko na si eunice. for you," sabi ko nalang. ayoko na rin naman na may kaaway. duh, hindi ako warfreak. n to the o. no.

tumayo siya at itinayo niya ako mula sa pagkakaupo sa swing. bigla niyakap niya ako ng mahigpit. "mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita, patch navarro." nangiti naman ako. ikaw ba, hindi ka ngingiti kapag niyakap ka ng mahal mo?

"si jules, kinausap ka na ba? hindi pa ako kinakausap eh," tanong ko sa kanya, kumalas na rin ako sa yakap.

umiling siya, "huwag muna natin pag-usapan 'yang mga problema. papangit ako." seryosong seryoso niyang sabi sa'kin.

"luh, papangit? ang tanong, gwapo ka ba?" mapang-asar kong tanong habang nakangisi ako. try ko lang kung mapipikon.

napasimangot naman siya at hinawakan ang kamay ko. "oo, kaya nga patay na patay ka sa'kin eh," siya naman ngayon ang nakangisi. bago pa ako makasagot ay hinila na niya ako at ngayon tumatakbo na kami.

"saan ba tayo pupunta?!" pasigaw kong tanong sa kanya kasi naman huhu, kawawa ang legs ko. kamusta naman 'di ba yung long legs niya sa legs ko?!

hindi na siya nag-abalang sumagot at takbo lang kami ng takbo. para kaming tanga. parang may pinagtataguan din kami. pero kahit pagod na ako kakatakbo, hindi ako mapapagod at magsasawa mahalin ang ugok na 'to.

treacherous | o.shWhere stories live. Discover now