080 : epilogue

754 42 38
                                    

[ p a t c h ]

tatlong taon. tatlong taon akong nasa japan. hindi ko inaasahan na babalik ako agad dito. hindi man kasing bilis ng isang taon ang pagbalik ko, para sa'kin maikli lang 'yon ngunit mahaba para sa mga taong naghihintay sa'yo.

hindi na niya ako muli kinausap pagkatapos ng ilang beses na pangungulit niya sa akin. i should've talked to him but stupid walls and pride. bakit kasi hindi ko siya kayang pagkatiwalaan ng buong buo? pinangunahan ba ng takot at kaba na baka iwanan ulit? ang tanga mo, patch.

napagod na rin siguro siya. kahit sabihin mong hindi susuko, napapagod din ang puso. and that freakin' hurts me.

bree stayed friends with me although nagkatampuhan kami. sino ba ang hindi magtatampo, 'di ba? lalo na nung malaman niya ang ginawa ko kay sehun. siya na rin ang number one source ko tungkol kay sehun. naging cold ulit siya at nag-restart ng feed. black and white naman daw ang theme. sus, maarte pa rin talaga.

si jules? so funny, hindi na siya nagparamdam. masasabi ko lang na ang duwag niya para harapin ang mga problema niya. naamin niya na sa akin pero hindi niya magawa kay jev. duh! best friend mo yung tao at nag-intay for sure si jev na kausapin siya ni jules. minsan kahit gaano mo ka-gusto maayos ang mga gusot, hindi na 'yon maayos. lalo na kung walang gagawa ng move para magkaayos. yung tipong hahayaan nalang kasi natatakot. face your fears, sometimes you have to risk yourself... and sometimes parang relasyon lang. ano ba nakain ko? nahugot na ako dito. putek, ang drama.

nasa airport ako ngayon, iniintay si bree na sunduin ako. hindi na muna sumunod ang parents ko. doon daw muna sila para mas maayos pa ang takbo ng business. kaya ko naman daw ang sarili ko, bahala na raw ako sa buhay ko. jk.

ilang oras ba ako pag-aantayin ni bree?! dalawa't kalahating oras na ako dito, ni anino niya wala. sinabi ko naman sa kaya yung flight details eh. at sinabihan ko na agahan niya kung sakali na may traffic.

"um, excuse me?" may nagsalita sa likod ko at mukhang malapit sa akin yung boses kaya nilingon ko. sana hindi nalang pala.

tila na-estatwa ako maging pati siya sa kinatatayuan namin; hindi alam kung ano ang sasabihin.

"ikaw pala yung sinabi ni bree na dadating," sambit niya. "akin na 'yang gamit mo nang maihatid na kita." dagdag niya habang inaabot na ang dalawang maleta ko. hinayaan ko nalang siya na bitbitin iyon dahil sabi niya ibigay ko raw. masunurin ako, don't me.

sinundan ko nalang siya at pagkatapos niyang ayusin yung gamit ko, lumakad na siya papuntang driver's seat. "sakay na." malamig niyang tugon.

binuksan ko yung pinto sa backseat at bigla naman akong nakarinig ng malamig niyang boses, "hindi ako mukhang driver mo kaya dito ka sa tabi ko umupo." diretso lang ang tingin niya. okay, kahit nung nagbreak kami noon ay hindi siya ganito kalamig. parang binuhusan at pinakain ng sandamakmak na yelo.

sinunod ko na siya at prenteng prente lang ako sa shotgun seat. hindi ko siya pinapansin kasi nakaka-intimidate siya.

nag-earphone nalang ako at nilaksan ko ng konti yung volume para feel ko. naramdaman ko nalang na nasa drive thru kami ng mcdo at naramdaman kong tinanggal niya ang earphones ko na nakalagay sa tenga.

gulat akong napatingin sa kanya. umirap nalang siya sa akin at siya na ang nag-order sa amin. nakapagtaka siya, kasi ba't kami dumaan dito?

nang makuha na namin yung inorder niya, which is siya ang nagbayad, diretso pa rin siyang nagmamaneho hanggang sa hindi ko na alam kung saan na siya pumupunta. doon pa rin naman ang bahay ko, ah? impossibleng hindi niya alam.

treacherous | o.shWhere stories live. Discover now