Special Chapter (2) : Date?

740 33 5
                                    

napaaga update ng sc bcos i miss updating hirr

-----

Today @ 10:20 AM

oohsehun: yeobo! asan ka na?
oohsehun: late ka na naman ba nagising? tss.
oohsehun: sabi kasi sa'yo matulog ka ng maaga.
oohsehun: asan ka na

seen

patc.h: pAPUNTA NA!23!!!!2! wag kang atat.

x

isinara ko na muna ang phone ko. medj totoo yung sinabi kong papunta na kasi naman late ako nagising! maliligo palang ako. oo, saglit lang 'to. wala pang five minutes. naligo na ako at nagbihis at madalian na akong umalis ng bahay. ni-lock ko ng mabuti ang bahay pati ang gate namin. naglakad nalang ako since malapit lang naman yung park sa dati kong school. doon daw kami magkita para malapit daw.

hingal na hingal akong lumapit sa kanya, mukha siguro akong nagmarathon ng 50 miles sa itsura ko ngayon. mukhang  nagulat din siya sa itsura ko.

"b-babe, anong nangyari sa'yo?" natatawang tanong niya. tawa pa sige!

inayos ko ang buhok ko na hindi pa nasusuklay at inirapan siya, "edi ito. mukhang nakipag-sabunutan sa kanto!" tawa lang siya ng tawa hanggang sa hampasin ko na siya sa braso.

naging seryoso ang mukha niya at tinitigan ako, "kahit mukha ka pang basura, mamahalin at mamahalin pa rin kita."

tinignan ko siya, "dami mong alam," at saka tumawa ng malakas. nang makita ko na seryoso siya, inayos ko yung sarili ko. baka mapikon kaya tinigil ko na yung kakatawa ko.

"saan mo gustong pumunta?" tanong ko nalang. nakakatakot kasi yung poker face na mukha niya eh. pero ang gwapo pa rin, syempre. hihi.

seryoso niya ulit akong tinignan sa mata ko, "sa puso mo," sabay biglang humagalpak ng tawa. luh? sabi na baliw 'to eh.

"yung itsura mo kasi, babe. namumula ka na," sabi niya habang natawa pa rin. natigilan lang siya nang suntukin ko siya sa braso niya. nasabi ko bang black belter ako sa taekwando? hindi pa ba? okay. syempre biro lang, malakas lang talaga ako sumuntok. hindi naman sa pagyayabang, ano pero malakas talaga ako sumuntok.

napa-aray siya at biglang nagpout. hindi na ako makapag-pigil sa sobrang cute niya kaya nahalikan ko siya sa cheeks niya. mukhang nagulat siya maski rin naman ako! nang matauhan kami pareho ay bigla akong tumayo at tumakbo at yes, naghahabulan kami. ang cliché tignan pero wala na akong pakialam. ang mahalaga, kinikilig ako!

natalisod ako dahil sa isang ugat ng puno at sa kamalas-malasan walang sumalo sa'kin. naramdaman ko nalang na may umalalay sa'kin patayo, at pinagpagan ang pantalon ko. "ayos ka lang?" ramdam ko sa boses niya ang pag-aalala. napatango nalang ako. ang sweet sweet niya sa'kin samantalang ako sa utak ko lang naipapakita yung pagiging sweet ko.

naglakad kami papunta doon sa swing, well buti nalang walang nakaupo kasi makikipag-agawan ako para dito. nang makarating na kami doon ay agad na ako umupo sa isang swing at doon naman siya sa katabing swing na inupuan ko.

"don't you miss this?" tanong niya sa'kin habang nakatingin sa mga ulap. wala namang araw pero cloudy day lang.

ngumiti ako, "sobra. lagi lagi kong binabalikan 'tong mga memories natin." i answered him truthfully.

mukhang 'di niya inaasahan yung sagot ko, "jeongmal?" ano raw?

"alam mo, minsan inaakala ko alien ka na. ano yung sinabi mo?" tanong ko sa kanya since hindi ko talaga alam mga pinagsasabi nito. mahirap talaga pag koryan ang boyfriend mo. joke. half-korean lang naman siya.

natawa siya bigla, "really ang ibig sabihin non. mahilig ka sa kpop pero hindi mo alam yung basics?"

inirapan ko siya, "well, bigbang lang naman alam ko doon. wag ka nga, may atraso ka pa sa akin eh!"

"ano 'yon?" mukhang naging interesado siya bigla. "sa pag-aakala ko, ikaw ang may atraso sa'kin," at ngumiti ng parang nag-aasar.

"magpapaturo nga ako sa dark feed! kulit mo, ilang beses ko na 'yon tinatanong eh," nag-pout ako. para cute. joke. "tapos seenlord ka!"

"sus, tuturuan kita pero yung kiss ko muna?" iniwas ko yung tingin ko sa kanya at tumayo. "a-anong kiss? 'di ko alam 'yon!"

ramdam ko na tumayo na rin siya at hinila niya ang braso ko, "yeobo, sabi mo pag naging tayo may kiss ako!" parang bata niyang sabi. at nag-pout pa siya.

"bakit, tayo na ba?" sambit ko.

he sighed then smiled, "i will ask you again," lumuhod pa talaga siya. jusko, kinikilig ako!! "will you be mine, patch navarro?"

yes? or no?

kinikilig na ako, at tatlong taon niya ako niligawan! bihira 'yon sa ngayon mga bes. hindi ko na patatagalin.

ngumiti ako sa kanya at hinila siya patayo, "yes." then i kissed his cheek. nagulat ulit siya sa mga nangyari at tumakbo na ako palayo, habulan trip ko eh.

lumingon ako at nakita ko siyang nakangiti sabay takbo para habulin ako. napangiti na rin ako sa sarili ko, sana laging ganito. masaya at walang pinoproblema.

treacherous | o.shWhere stories live. Discover now