Prologue

578K 6.1K 523
                                    





DISCLAIMER

• • •

For those who want to avail the full pdf edited book version of Working for the CEO, you have to purchase the story with the price of 150.00php. Payment will be thru gcash. Once you already paid, you can send me an email with the screenshot of your payment. I'll send the WFTC pdf thru your email also.

WFTC is back at being purchased again since a lot of readers were complaining about the story even though it was already free as I already terminated my contract under paid stories program.

Pay the amount (150.00php) through gcash and email the screenshot for proof of payment. The completed PDF file of WFTC will be sent immediately after you purchase through your email.

GCASH number: 09175557723
Email address: inknieureka@gmail.com

Thank you!

Your payments will also help as I am a struggling writer myself.

For further questions, just comment or message me.

Enjoy reading!

---


Mariz Ochua's story.

Working for the CEO
by eurekaa

Prologue



"Bruha!"

"Ay chaka!" Muntik namang mabitawan ni Mariz ang hawak na sandok nang bigla na lang sumulpot sa likod niya ang pinsan niyang si Esme. Nasa kusina kasi siya ng bahay nila at nagluluto.

"Nandito na yung mga inorder mong longganisa at lumpia. May dinagdag pala si Aling Elen na tosino. Ayos 'tong negosyo mo bruha, marami kang suki." Sabi naman ni Esme sa kanya sabay abot sa dalawang malalaking plastic kung saan nakalagay ang mga lumpia, longganisa at tosinong inorder niya.

"Naku 'teh, masarap daw kasi. Saka malapit na kasing maubos ang mga gamot ni Tatang. You know, pandagdag churvabells." Tinikman naman niya pagkatapos ang niluto niya at napangiti.

Kailangan niya kasing kumita ng extra para sa pangtustos ng pamilya niya. Minsan kasi, kulang pa ang sweldo niya sa pagtratrabaho niya sa isang call center. Nung 20 kasi siya, napilitan siyang tumigil sa pag-aaral niya ng kolehiyo para magtrabaho. Naputulan kasi ng paa ang tatay niya dahil sa sakit nitong diabetes. Nahinto ito tuloy sa pagiging jeepney driver. Ang nanay naman niya ay may sakit sa puso at may maintenance na ng mga gamot. Apat pa silang magkakapatid at siya pa ang panganay.

Napilitan siyang huminto sa pag-aaral at magtrabaho. She even sacrificed her own scholarship para lang matulungan ang pamilya niya. Magfofourth year na nga sana siya sa kurso niyang nursing kaso wala e, hindi siya pinalad.

Buti na nga lang at na-promote siya sa trabaho niya at naging secretary na siya ng CEO ng call center na pinagtatrabahuan niya, ang Star International Incorporated. Kaya medyo kahit papaano ay hindi siya ganun namumublema sa pera. Nasa bahay din kasi niya si Esme na pinsan niya. Namatay na kasi ang mga magulang nito kaya sila na ang kumupkop. Tumutulong din ito sa gastusin nila sa bahay dahil sa mga part-time jobs nito. Buti nga e nakakuha ito ng scholarship sa kurso nitong engineering.

Sa ngayon, siya muna ang nagpapa-aral ng kolehiyo sa kapatid niyang babaeng si Sydney. High school pa kasi ang dalawa niyang kapatid na lalake.

"Para kanino ba 'yang niluluto mo, ha?" Panunudyo ng pinsan niya kaya napatawa siya.

Working for the CEO (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon