Chapter 2 - He's Abnormal

200K 3.6K 318
                                    




Chapter 2 - He's Abnormal

"Morning!" Masiglang bati ni Mariz nang dumating na siya sa Star. At gaya kahapon, palaging iwas na naman ang mga katrabaho niya. Kung dati-rati ay may nakikita pa siyang nagchichismis sa loob, ngayon, wala na. Lahat ng tao doon ay focus na focus na trabaho.

"Kakaloka sila." Ganito ba talaga nakakatakot ang Ezekiel delos Reyes na iyon? Lahat ata ng tao doon ay takot magkamali sa ginagawa nila.

"Mare!"

Napalingon naman si Mariz at nakita ang isa pa niyang co-worker na si Paulito Castro. Hindi naman niya maiwasang mapangiti dahil hindi ito nasali sa mga natanggalan ng trabaho.

"Paulita!" Biro niya at kaagad niyakap ang bruha. Close din kasi silang dalawa dahil sabay silang nakapasok sa Star few years ago. Mas babae pa nga itong kumilos kesa sa kanya.

"Loka-loka talaga 'to. Paula no! Para sosyal!" Nagtawanan naman silang dalawa. Paula kasi ang gusto nitong panggabing pangalan.

"Buti nalang talaga at nakita pa kita rito, mare. Kahit kasi sila Penny, tinanggal. Naloka ako sa biglaang pangyayari kahapon," aniya. Ni hindi pa nga niya nakakausap pa si Penny magmula kahapon.

Nalaman niya rin kasi na bigla na lang binigyan ng mga notices ang mga employees na may nakalagay na fired na ang mga ito at pwede ng umexit sa Star.

"Ako rin. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin 'pag nagkataon na sinali ako sa mga finired. 'Di ko keri, 'teh! Wala na akong perang pang-aawra kung natanggal ako." Mas lalo naman tumawa si Mariz sa sinabi ng kaibigan. Lumalandi talaga kasi ito tuwing gabi.

"Huwag ka talagang lalapit sa 'kin Paulito, naku kapag ikaw nagka-STD, friendship over!" She joked as both of them laughed. Nami-miss na talaga niyang makipagchikahan.

"Ay beks, may nasagap akong balita, nagkaharap daw kayo ng bagong CEO kahapon! Ano beks, papable ba?" Usisa pa nito.

Papable?

Diyos ko, parang awa. Pinaglihi nga ang lalakeng iyon sa gorilla.

"Naku, hindi 'no! Ang sobrang chaka nga! Ang itsura 'nun parang pwet ng manok! Maloloka ka talaga 'teh, chaka na nga, masama pa ugali!" Sagot niya. Mas gwapo pa rin ang Sir Kurt niya kesa sa balugang iyon.

"Ms. Ochua."

Parang namang binuhusan ng malamig na tubig si Mariz nang makarinig siya ng isang pamilyar na boses.

"Ah... He-he." Unting-unti naman niya itong nilingon sa likod. "S-Sir.." Shet talaga! Narinig niya ang mga sinabi ko.

"To my office, now." Ezekiel stiffly said as he continued to walk--leaving her dumbfounded.

"Mare, s-siya ba ang b-bagong CEO?" Sabi naman ni Paulito sa kanya na nakatitig pa rin sa likod ng lalake habang naglalakad ito.

Napalunok siya. Mukhang narinig lahat ng bago niyang boss ang mga sinabi niya. Gaga ka talaga!

"Paula, pasensya na talaga!" Agad-agad naman siyang umalis.

Patay talaga siya!

●●●

Nakapasok na si Mariz sa opisina ng CEO. Nagsimula ng kumabog ang dibdib. Shet talaga. Alam niyang narinig nito ang mga pinagsasabi niya. Pagkapasok pa nga lang niya sa loob ng office nito, ramdam na niya ang malamig na aura.

"Ganito pala ginagawa niyo sa oras ng trabaho, doing nonsense stuff." He suddenly said as he faced her. Sumandal ito sa office table nito sa likod. He then crossed his arms.

Working for the CEO (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon