Chapter 1 - Secretary Again

239K 4K 191
                                    




Chapter 1 - Secretary Again

"Ate, ang aga mo yatang umuwi?" Tanong ni Sydney kay Mariz nang umuwi na siya sa bahay nila. Katatapos lang kumain ng kapatid niya nang dumating siya.

"Anak, ang aga mong dumating?" Tanong ng Nanay niya at kaagad naman niya itong nilapitan sa may sala. Nagmano kaagad siya rito pati na rin ang tatay niyang naka-wheelchair habang may inaayos na isang bagay. Ang nanay naman niya nananahi. Ito kasi ang ginagawa nitong negosyo dahil sa sakit nito sa puso.

Pabuntong-hininga naman siyang umupo sa sofa. Alam niyang alas-tres pa lang ng hapon sa mga oras na iyon. Umuuwi kasi siya sa bahay nila tuwing mag-aalas siyete na sa gabi.

"N-Nag-fire drill kami," Palusot niya. Hindi pa niya pwedeng sabihin sa mga ito na bigla siyang tinanggalan ng trabaho. Baka atakihin ang nanay niya. "B-Bago na kasi ang boss namin." Dagdag niya. Talagang gustong-gusto ko ng kalmutin ang pagmumukha ng lalakeng iyon. Walang puso.

"Talaga, ate? Hindi na si Sir Kurt?" Nilapitan naman siya ni Sydney. Chismosa rin isang ito.

"Hindi na. Binenta na niya ang shares niya." She pouted. Nawalan na nga siya ng trabaho, hindi pa niya muling makikita ang crush niyang boss.

"Hala! Nagtapat ka na ba?! Baka hindi mo na siya makikita ulit!"

Sinapak naman kaagad ni Mariz ang kapatid niya, "Loka ka! May jowa na yung tao. Saka ayokong makiapid sa may jowa no!"

"Feeler naman nito," hinihimas naman ni Sydney ang ulo nitong sinapak niya. "As if naman gusto ni Sir Kurt na makiapid sa'yo. Chaka mo kaya 'teh! Tignan mo mukha mo sa salamin."

Nambubuwisit pa ata itong kapatid niya. "Tatamaan ka na talaga sa akin, Sydney! Kung chaka ako, chaka ka rin! Magkadugo tayo kaya huwag kang ano."

Alam naman niyang wala siyang pag-asa sa boss niya pero masaya na siya na secretary siya nito at pasulyap-sulyap siya sa opisina nito. Tanggap niya iyon. Isa kasi siyang dakilang martir.

Pero inis na inis pa rin siya. Bigla na lang siyang tinanggal na walang katuturan. Ang ganda ng mga credentials niya dahil isa siyang masipag na employee at siya pa laging nakakakuha ng 'Employee of the Month' ng Star.

Pero ang Ezekiel delos Reyes na iyon ay walang modong finire siya. Pinahiya pa niya ang sarili niya para pigilan yung lalakeng nagnakaw sa kompanya nito. Walang utang na loob! Ni hindi man lang nagpasalamat sa kanya.

"Sydney, isearch mo nga sa google. Itype mo, Ezekiel delos Reyes." Sabi niya sa kapatid. Kailangan siyang makalikom ng impormasyon para may ipapang-blackmail siya sa lalake.

"Ha? Bakit naman?"

"Bilis! I-search mo na."

"Oo na!" Kinuha naman nito ang phone nito at kaagad sinearch sa google ang lalake.

"Aba ang gwapo pala ng lalakeng ito. Mayaman pa! Tignan mo itong nabasa ko sa wikipedia!" React ng kapatid niya at nilapitan naman ito ni Mariz.

Ezekiel delos Reyes born on March 18, 1988 (28 years old) is the CEO and president of EDR Incorporated -- a diversified corporation that ventures a lot of businesses. His notable company is the EDR telecommunications, one of the largest telecommunications companies around the world.

"Sobrang yaman niya!" Hindi makapaniwalang sabi ni Mariz sa nalaman. Mukhang halos kasing yaman ito ng asawa ng kaibigan niyang si Monique Torres dati sa Star. Pero ang gaga, ang sobrang swerte dahil nakabingwit ng mayaman.

"Heto ang net worth niya. OMG! 8 billion US dollars! Pang-apat siya sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Ang gwapo pa 'teh! Nalampasan pa niya ng isang bilyon ang CEO ng Torres corporation na si Nick Torres! Di ba asawa yun nung kaibigan mo? Sino ba itong Ezekiel na ito, ate? O-M-G," OA pa nitong sabi. "Huwag mong sabihin gaya rin ni Ate Monique, nakabingwit ka rin ng mayaman? Shet! Yayaman na kami!"

Working for the CEO (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon