fourteen - amusement park

23 1 0
                                    

N A T A L I E / S A M A N T H A

"Babe, gising na andito na tayo." Bumungad sa akin yung maamong boses ni Taehyung. Pagkadilat ko, mukha niya nakita ko.

"I want to sleep." Reklamo ko at yumakap ng mahigpit sa kanya.

"Eh? Sayang naman pinunta natin dito kung matutulog ka lang. Dali na babe habang maaga pa, para maenjoy din natin yung rides." Well, sabagay ginusto ko ding pumunta dito. Bumangon na ako at kinuha ko yung shoulder bag. Naunang lumabas ng sasakyan si V tapos inalalayan niya ako palabas ng van.

"Gising na ang munting reyna." Pang-aasar sa akin ng mga ulupongis.

"Oy, wag niyo inaaway prinsesa ko." Pagtatanggol naman sa akin ni V sabay nilapit ako sa kanya.

Kinuha ko yung sunglasses at facemask ko sa bag, mahirap na tska ito na din ang pinagbilin sa akin ni unnie.

Nagsuot na din yung ibang ulufongs ng sari-sariling disguise nila tulad ng snapback, beanie at shades.

"Ako na pipila at bibili ng ticket natin. Kabayo samahan mo ako." Sambit ni Jin sabay hinila sa jacket si Hoseok papunta dun sa ticketing booth. Naiwan naman kami dito na nakatayo at nag-uusap kami.

"Pagkapasok sakay tayo ng pirate ship, tapos sunod dun sa flying disc and many more." Nagagalak na sambit ni Jimin.

A/N: Imagine niyo yung rides sa EK ganyan yun iniba ko lang name. HAHA

"Tapos punta tayong Horror house, iwan natin si Jimin hyung dun." Pang-aasar naman ni Kookie kay pandak.

"Wae?! Ako na nanaman trip mo maknae!" Paawa effect ni Jimin.

"Syempre naman hyung! Ikaw trip ko palagi kasi mas maliit ka sa akin." Si Jimin ngumiti na lang. Smiling through the pain I see? Iniharap naman ako ni Taehyung sa kanya at binaba ng onti shades niya para tignan ako sa mata.

"Ano gusto mong sakyan babe? Ako?" Pinalo ko naman braso niya.

"Panahong 'bog ka nanaman Bwi, tumigil ka nga." Humalakhak ako nung sinabi ko sa kanya yun. Abnormal eh.

"Joke lang syempre." He smiled then hugged me tightly.

"Eto na!" Sigaw ni Hoseok na rinig hanggang kabilang dako ng mundo.

Tuwang-tuwa niyang iniabot sa amin yung mga tickets na susuotin mo ng para siyang bracelet. Si V nagsuot sa akin nung bracelet/ticket.

"Ano? Ayos na ba lahat?" tanong ni leader Rapmonie.

"Yes!"

"Then tara na sa loob!" Pinagtawanan namin si Namjoon kasi para siyang tour guide na kailangang bantayan yung mga batang kasama sa educational field trip.

Pagkapasok, medyo madami tao kasi weekend ngayon.

"Are you sure hindi tayo makikilala dito hyung?" Rinig kong bulong ni Jimin.

"Hindi yan, basta buhok at bibig natin nakatago hindi tayo makikilala." Sagot ni Yoongi.

Sa paglalakad kaming dalawa ang nahuli ni Taehyung at kasabayan si Jimin.

"Noona." Rinig kong tawag sa akin ni Jimin.

"Masaya bang tumira sa London? As in yung dun ka na permanenteng nakatira?"

"Masaya din naman kaso naho-home sick ako kasi wala dun sila kuya Chanyeol at yung mga kaibigan kong nakasama sa dorm tska si Taehyung. Yung mga taong nakasanayan kong kasama wala dun kaya minsan nalulungkot na lang ako bigla."

"Ay, ganun ba noona? Parang mas malala pa ata yung naranasan mo kesa sa akin. Pamilya ko nasa Busan tapos ako dito sa Seoul, kahit malapit lang naho-homesick pa din ako minsan."

Confused (sequel to Lost) - onholdWhere stories live. Discover now