Chapter 5

677 13 0
                                    

Chelsea's POV

Nakauwi na kami sa dorm namin maliban kay Richelle. Eh, ewan ko ba kung saan nagsusuot yun si Richelle. Napakamisteryoso kasi ng babaeng yun. Di magpaparamdam ng saglit or matagal, depende sa ginawa niya, tas bigla na lang susulpot.

" Hoy, Chel, san na kaya si Richelle? Abnormal talaga yon eh. Maghahapunan na lahat lahat wala pa rin. " sabi niya tas tumayo.

" Tulungan mo nga ako ayusin itong gamit niya. Aalis na tayo dapat ngayon eh kaso dahil sa mga bruha na yon bukas pa uwi natin. " sabi ni Pat tas kinuha yung maleta ni Richelle at inayos ang ibang gamit.

Aba ang sipag naman ni Patricia ngayon. Ano kaya nasinghot nito?

* Richelle's POV *

Andito ako ngayon sa McDonald's sa loob ng university namin. Lupet no? Sa La Salle Dasmariñas kasi kami nagaaral nila Patricia. Simula pagkabata magkakaibigan na kami. Ang tanda ko lang eh noong lumipat kami sa may Greenhills eh may nakita akong dalawang bata nagaaway na kasing tanda ko.

Yung isang bata chubby na singkit at yung isa naman ay mukhang haggard na haggard. Pawisan ba naman sobra. Lumapit ako kasi baka anong nangyayari. Tas doon na nagsimula pagkakaibigan namin.

" Miss isod naman po kayo sa gilid, madami pa pong oorder hindi lang kayo. " nawala ako sa iniisip ko dahil tinapik na ako nung babae. Umisod ako at inantay yung Chicken Fillet with rice ko tsaka McFlurry.

Nag-vibrate yung cellphone ko sa bulsa ko kaya tiningnan ko. " Hoy! Babaita nasan ka na ba? Mag-aalas otso na po, bumalik ka na sa dorm, illock ka namin ni Pat eh! " text ni Chel. Di ko na lang pinansin. Sanay naman sila na lagi akong Missing in Action. Umupo na ako dun sa may gilid at kumain na.

* Chelsea's POV *

Nagising ako sa boses ni Patricia na kinakanta yung Classic ng MKTO. Bumangon ako at nagpunta sa banyo para magmumog at maghilamos.

Pagkalabas ko ba naman ay bumungad sakin ang Patricia na nagluluto at nasayaw pa. " I wanna thrill you like Michael, I wanna kiss you like Prince, Let's get it on like Marvin Gaye, Like Hathaway" sabay kembot na parang twerk.

" Pat naman oh, agang aga ang panget ng nakikita ko. " sabi ko at umupo na dun sa may hapagkainan.

" Tse, manahimik ka nga diyan. Di kita bigyan ng umagahan diyan eh. Pasalamat ka nga at pinagluto kita diyan eh. Tsk. " sabi niya tas nangirap. Napatawa na lang ako at tiningnan cellphone ko. May text galing kay Mommy, kay Kade tapos ibang Twitter notification at sa Messenger, pero walang reply si Richelle. San na kaya yun eh?

" Pat, di pa rin nauwi si Richelle. San na yun? " sabi ko at sinubukan siyang tawagan pero wala. Di man lang nagring.

" Susulpot din yun. Alam naman nating dalawa na nakapamisteryoso non. Dadating din yun. " sabi niya at naghain na ng sinangag, itlog, tsaka longganisa.

* 10:56 am *

" Hoy, Pat, samahan na kita sa pagtanggal ng bubblegum pero di kita tutulungan ha. HAHAHAHA " sabi ko.

" Sige, tapos hanapin na natin si Richelle. " sabi niya.

Nag-lalakad na kami ng makita namin yung mga Pabebe Girls na nagpupulot na ng kalat doon malapit sa man-made lake.

" Pat! Si Richelle oh! " sabi ko at hinila si Patricia palapit kay Richelle na nagwawalis na ng mga dahon.

" Hoy! Babae! Bakit hindi ka umuwi? " sabi ko habang natakbo papalapit sa kanya.

" Ha? Umuwi ako ng mga 11. Tapos umalis ako ng mga alas syete, para matapos ko agad ito. " sabi niya at nagwalis na ulit. Napakamisteryoso talaga eh.

Dreams Do Come True! (A Taglish One Direction Fan Fiction)Where stories live. Discover now