2: i really like you

507 20 0
                                    


Max


"Isang taon na pala ang nakaraan."


Napatitig ako sa phone ko. Nag alarm kasi ito. Sa sobrang busy ko sa paghahap kay ate ay lumayo ako. Para matago ang identity ko ay nag apply akong singer sa isang bar. Naglalagay din ako ng make up at ang mga suot ko ay parang pokpok na pinagsawaan na. Pinatay ko ang phone. Sabi ko sa sasarili ko na isang taon ko lang gagawin ito. Kaya ngayong isang taon na ay kailangan ko nang umalis. Kaya kinuha ko mga gamit ko at iniwan ko ang iba. Advance ang byad ko sa apartment kaya walang problema.


Dumating ako sa Manila. Agad akong pumasok sa mall para kumain at bumili ng damit. Palabas na ako ay plano kong bumili ng doughnut sa JCO nang makita ko si Yhen kasama ang anak niya pero nakita ko rin ang babae sa katapat na lamesa. Matalas kung makatingin kay Yhen na tila pinaparingan siya kaya bigla akong nagalit. Hindi kami closed ni Yhen pero ayoko naman gaganyanin siya. Kilala ko ang malditang si Yhen na nagtitimpi lang.


"Hanggang diyan lang ba ang kaya mo? O baka naman ikaw ang bitter kasi hindi ikaw ang pinili. At least si Yhen pinanagutan nang nakabuntis sa kanya e ikaw? Asan ang ama ng anak mo? Kung maka lait ka kay Yhen  mo kala mo kagandahan ka excuse me you're nothing compare sa kanya!"


Biglang nagulat si Yhen ng makita ako at agad akong inawat.


"Max, tama na."


"Bakit hinahayaan mong tratuhin ka ng ganyan? Kasalanan mo ba kung bakit ikaw ang pinili over sa kanya? Si Knight naman ang namilit ng kasal sayo ahh, bakit hindi niya matanggap na ikaw ang pinakasalan at siya ang iniwan!"


Pinakatitigan ko ang babaeng katabi ni Harriet at naaalala kong ito ang fiancee ni Ace kaya mas nagpuputok ang butse ko.


"Wag kang mag -eskandalo dito."


Nagulat ako sa pag-sigaw ni Kristine. Galit na galit din siyang nakatingin sa akin at nagsukatan kami. Kung mayroon reyna ng barahan sa aming tatlo nina Yhen at Lelian ako na yun. At hindi ako patatalo sa kanya.


"Kung totoong kaibigan ka, sana pinigilan mo yang kaibigan mong mag warak."


"Kung kaibigan ka rin sana sinabihan mo ang kaibigan mong huwag magpabuntis sa lalaking committed na!"


"Hmmmm mukhang may gusto siyang tumbokin. Ako ba? Si Ace ba?"


"Too bad hindi ko kaibigan si Yhen kaya hindi kami close. Baka ikaw, pareha kayong eskandalosa, sa bagay ano pang ikinahihiya ninyo? E lantaran niyo ngang pinapakita ang katawan ninyo sa publiko."


Nagalit ko si Kristine kaya itinaas niya ang kamay niya at sasampalin ako.


"How dare you!" sigaw nito


"Strike me one  time at babalian kita ng kamay!"

MISTRESS BY CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon