8: by chance

467 18 1
                                    


Maxine Anne Rosales


Hindi na ako makapaghintay na makauwi. Hindi na nga sana ako pasasakayin sa eroplano dahil kabuwanan ko na. Pero dahil kay daddy Fred ay nakasakay ako. Halos ipagtulakan ko na si kuya  makalabas lang kami nang airport.


"Max bat kaba atat? Darating naman tayo sa kanila."


"Kuya Chowking muna tayo."


Dahil spoiled ako sa kanya, lahat ng gusto ko binibigay. Hindi ko tuloy lubos ma isip kung ganito rin siya ka sweet kay ate Mariz.  Nakaupo ako habang ini-enjoy ko ang halo-halo ko nang nakita kong malalim ang isip ni kuya.


"Bakit mo ba pinahihirapan ang sarili mo?"


"Huh? Ano ulit yun? May sinabi ka?"


"Naalala mo si ate ano? Anong score ninyong dalawa?"


"Bilisan mo diyan nang hindi na tayo maipit sa traffic." pag-iiba niya sa usapan.


"Kuya  wala na ang ELSS diba?  Kung gusto mong makawala sa sinumpaan mo humingi ka ng tulong kay si Raven. At kausapin mo ng mabuti si Ace-King, maintindihan ka nun, hindi na siya ganoon ka bad gaya ng dati.  Huwag mong hayaang makahanap si ate ng iba."


At dahil sa sinabi ko ay biglang napatingin si kuya sa akin at mas napakunot ang noo.


"He's cute. He looks just like exactly daddy Fred. I wonder why mom loves him."


"Maganda kaya si ate. Hindi mo alam nung nag-aaral siya sa college ay marami siyang naging manliligaw pero si Vinc--"


"Tayo na!"


Asar na lumabas si kuya na hindi na ako pinatapos sa aking sasabihin napaghalataang nagseselos.


"Kuya what i am trying to say is that sa susunod na mahanap mo si ate huwag mo na siyang pakawalan pa baka maunahan ka pa ng iba."


"It's not that. She asked me to stay and i still left her. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya."


"Mas magiging masaya ako kung kayo ni ate ang magkakatuluyan you know. I want her to be happy. She deserves it. All this time kahit hindi kami magkadugo at kahit puro kagaspangan ang pinapakita ko sa kanyang pag-uugali ay never siyang nagalit sa akin. She is always there for me when mom's not."


"And she loves you too."


"Plus that i want to see the other side of you yun bang  nagsusuot ka ng tattered jeans with a big slit on the side ng sando mo at everytime you move ay nakikita ang abs mong nagpapawindang kay ate."


"Baliw!"


"Mas tao ka kasi pag yun ang suot mo hindi katulad ngayon na  para bang isa ka sa nawawalang member ng Men in Black ."

MISTRESS BY CHANCEWhere stories live. Discover now