End

756 20 6
                                    


Ace Shin


Hawak ko ang mga kamay Max. Natatakot ako sa paghilab ng tiyan niya. Nagkagulo sa park kanina mabuti't may tumawag kaagad ng ambulance kasi nawala na ako sa wisyo nang makita ko ang dugo sa hita ni Max. Natatakot ako knowing that she will be having 3 boys to pop out.

Dumating kami sa ER at nagulat ako ng makita ko si Bishop na wala din sa sarili.


"Si Lelian?"


"Nasa Loob."


"Si Max din?"


"Oo."


"Sabay ba natin nabuo? Sabay din kasi lalabas."


"Mukha nga, makikita na din natin kung sinong mauuna lalabas , dun natin malalaman kung sinong sa atin ang mas mabilis."


"Attorney, mas mabilis ako sayo. Like a speed of light."


"Oh? Patunayan mo nga."


"I'm happy for you. I'm happy at nauntog ang ulo ni Max at binalikan ka."


"Oo nga eh masaya na ako. Sa wakas kompleto na ako."


"At may katabi kana gabi-gabi. Mararanasan mo nang ring  parating ma late sa trabaho kasi hate mong ewan ang asawa mo sa kama na mas mainit pa sa kape."


"Si Leilian lang pala ang kailangan mo para maging makata ka."


"Tol, sobrang mahal ko ang babaeng yun grabeh, mamamatay ako pag mawala siya sa akin."


"Sinong mga asawa ng mangananak?"


"KAMI!" 


Taas kamay naming sagot namin sa nurse na naguguluhan kasi magkamukha kami.


"Sir pa sign ako ng waiver at consent narin for CS, nahihirapan silang manganak ng normal."


Binasa ko ang mga nakalagay sa waiver saka sa consent.


"Okay."


"Kaninong asawa yung manganganak ng triplets?"


"Ako nurse bakit may problema ba?" Kinakabahan ako sa sinabi ng nurse.


"Sir, we need you inside. Inaaway kasi ng asawa ninyo lahat ng nurse at midwife. Hindi daw siya eeri hangga't wala ka sa loob. Dun ang lab gown sir we need you clean. Just tell me when you're done."


Iniwan ko si Bishop at sinunod ko ang sinabi ng nurse. Nang makapasok na ako sa deliveryroom ay nakarinig na ako ng iyak ng bata sa katabing kwarto.

MISTRESS BY CHANCEWhere stories live. Discover now