WASMAG 2: Nike

13.1K 419 13
                                    


A/N: Picture of Nike Lester on the multimedia.

==============

" I don't know who you are but I, I'm with you"

NIKE'S POV:

WARNING: SPG SCENES THAT ARE NOT ALLOWED FOR VERY YOUNG READERS. READ AT YOUR OWN RISK!

"Uy bro!" Bati ko dito sa pinsan kong Vice President na ng Company ng family namin. Si Papa ang may company nito. Dapat nga ako ang isa sa mga Vice Presidents dito eh pero ayoko muna.

The hell? 24 pa lang ako no! Gusto ko pang maranasan ang maging malaya!

Gusto ko pang magparty! Gusto ko pang magbarhopping, gumala kasama ang tropa. Yung mga ganung bagay.

Syempre pag nay trabaho na ako, para na rin akong nakatali. Limited na rin ang galaw.

"Uy! Ano nanamang nakain mo at pumunta ka dito?" Tanong  itong very busy kong pinsan.

"Wala lang. Masama na bang mangamusta?" Sabi ko sabay upo sa upuan sa harap ng table nya.

"Come on! Wag mo nga akong gaguhin! Alam kong may kailangan ka nanaman sa akin. Just spill it out!" Okay. Alam na alam nya kasi ako. Pupunta lang talaga ako dito sa office kapag may kailangan ako. So ito nga, uutang lang naman ng pera. Hahahaha.

"Okay. Bro, pwede bang pautang muna ng pera? Kahit mga limang libo lang. Natalo kasi ang tropa sa pustahan kahapon. So naubos pera ko. So ano?" Sabi ko sabay lapit sa kanya.

Alam kong di mo ako matitiis! Haha

"Ayan. Dyan ka kasi magaling! Kaya naman pala nauubos linggo linggo yang pera mo! Alam mo ikaw!? Dapat magtrabaho ka na eh. Nagtapos nga ng Business Management, hindi naman ginamit. Tsaka wala akong pera. Gusto mo sa dad mo ikaw umutang. Yun maraming pera yun!" Sabi nya sabay balik sa mga ginagawa nitong paperworks.

"Ano? Ang isang Gray Montemayor, mawawalan ng pera! That's ridiculous!" Pangaalaska ko sa kanya.

"Oo nga! Kung wala ka nang ibang sasabihin pa, umalis ka na lang. Shoo shoo alis na!" Pagatataboy nito. Sige ganyanan ah.

"Grabe ka naman bro! Sige lang ah! Pagsisihan mo to!" Sabi ko sabay labas na ng pinto.

"Ano namang gagawin mo?" Curious na tanong nito sa akin.

"Rareypin ko si Ysrel mo! Hahahaha" sabay karipas ng takbo.

Actually, hindi ko naman gagawin yun noh! Rinerespeto ko yang pinsan kong yan kahit ganyan yan sa akin. Hahaha! Only pinsan eh.

Hayyy, pero ngayon wala na akong pera! Actually naubos lang talaga yun sa bar na pinuntahan namin hindi sa pustahan.

Isang libo na lang pera sa wallet ko. Hindi naman ako makakahingi pa kila mama at papa dahil sigurado akong sasabunin nanaman ako ng mga yun.

Lumabas na lang ako ng building at nagisip isip ng pwedeng gawin.

Biglang sumagi sa isip ko yung lalaki kanina na nakasabay ko sa elevator. Wala lang. Alam ko hindi yun talaga lalaki eh. Feeling ko bakla yun.

Yung mga tingin nya kanina, alam na alam ko na na gwapong gwapo na ito sa akin. Totoo naman kasi eh. Gwapo naman talaga ako. Kaya nga andaming nagkakandarapang babae at bakla sa akin.

Ang cute nya lang. Para syang bata. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw na nyang matanggal sa utak ko.

Naglakad lakad ako papuntang condo ko. Medyo madilim na rin pala.

Ipapakilala ko lang ang sarili ko sa mga taong hindi nakakakilala sa akin.

Ako lang naman si Nike Lester Montemayor. Ang oh so gwapong badboy.24 na ako at pinsan ko si Gray Montemayor. Ang parents ko ay nagtratrabaho sa family company ng mga Montemayor.

When A Sadist Meets A Gay (BoyXBoy) #COMPLETED BK. IIWhere stories live. Discover now