WASMAG 4: Kasunduan...

12.1K 390 7
                                    

Hayy, nakapagUD na rin.

BTW, Dedicated po ang chapter na ito kay kuya @NieroXNeon. Hello kay kuya! Haha, kuya na kita ah! Mas matanda ka pala sa akin. Salamat na rin sa pagsupport ng stories ko! Pls, support nyo rin yung mga stories nya. Thank you!

"How can I get your heart??"

KONAN'S POV:

"Argghhhh! Pwede ba magpatulog ka naman, Nike!!!" Sigaw ko sa aking kwarto. Alam ko nagmumukha na akong baliw sa ginagawa ko.

Pero kasi naman eh! Kanina ko pa gustong matulog! At sa tuwing matutulog naman ako eh, naalala ko nanaman yung ginawa nya sa akin!

Yung halik na yun!

Yung bwisit na halik na yun!

Yung halik na hindi maalis alis sa isip ko!

Nahihibang na ba sya? Ano sa tingin nya ang ginagawa nya?

Bakit nya kasi ako hinalikan? Hindi naman kami ah! Hindi naman sya nanliligaw ah!

Hay nako!

Hindi ko naman maiwasang magassume eh. Sa ganda at cute kong to, alangan namang wala syang gusto sa akin. Haha charot lang! Assuming lang ang peg!

Pero seriously, hindi ko talaga alam kung bakit nya ginawa sa akin yun. Wala naman akong naisip na motibo nya, kung hindi yung nakita ko sila na nag........

HOMAGASH!!!! Baka naman....baka naman kaya nya ako hinalikan kasi may balak syang gahasain ako! Omay!!! Hindi ko ata kaya! Hindi pa ako ready!

(Choosy ka pa teh!) Sabi ng isang side ng utak ko.

Humphh!! Kahit na! Wala akong balak magpagahasa no! Over my dead gorgeous body! Haha!

Pero wait! Kung gagahasain nya ako, bakit nya ako sinabihan ng "Ang cute mo!" Dun ako kinilig eh! Hahaha choss lang! Kahit totoo naman.

Anyways, sa pagkakaalam ko, hindi nagsasabi ng ganun ang mga rapist diba? Sa pagkakaalam ko kasi, sasabihan nila muna ng "Ang kinis mo ah!" Or something like that!

Baka naman pinuri nya rin ako sa pamamagitan ng "Ang cute mo!" Pero bakit sa akin, may ibang meaning pa yun?

Hay basta! Ang gulo!

Hindi ko na lang inisip yun at nagconcentrate na lang sa pagtulog.

.

.

.

.

.

Ngunit kahit anong gawin ko, hindi pa rin ako dinadalaw ni dakilang antok.

Nagisip na lang muna ako ng maaring gawin pampaantok. Saka pumasok sa isip ko yung friend request ng bwisit na lalaking yun.

Konan, ano iaaccept mo? Or hindi?
.

.

.
Isip......
.

.

.
Isip......
.

.

.
Isip......
.

.

.
Sige na nga! Accept ko na nga! Kawawa naman eh! Haha, baka iyakan pa tong ganda ko. Walang aangal! Kakalbuhin ko kayo!

Inopen ko na ang facebook account ko saka pumunta sa mga friend requests.

Sya ang pinaka latest na nag friend request sa akin. Konti lang naman ang friends ko dito sa facebook eh. Some of my officemates, at ilan ding mga classmates ko dati. At syempre yung closest kong mga kaibigan like Ice and Blaze.

When A Sadist Meets A Gay (BoyXBoy) #COMPLETED BK. IITempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang