WASMAG 5: Duel

10.7K 328 19
                                    

I will dedic this chapter to jhadecalzada3. Salamat po sa support mo at sa napakaraming votes nyo po sa stories ko. Salamat po! :)

"This love is difficult, but it's real."

KONAN'S POV:

Kasalukuyan na nga akong nag-aayosng aking sarili para sa pagpunta kila Ice dahil sa birthday ni Sceven.

Dapat nga kasi yun lang ang gagawin ko ngayon. Eh kaso may umeepal eh.

Isang napakagwapong epal na nagsasabing makipagdate daw ako sa kanya. Asus!! Ewan ko sa kanya. Di naman ako pumayag eh.

Charing! Hahaha oo pumayag ako! Diba nga yun ang paraan para makabawi ako sa kanya. Kaya nga di na ako tumutol eh. Beside sa pagligtas nya sa akin, eh nahihiya na rin talaga ako sa kanya. Dahil nga sa pagligtas nya sa akin. Haha ang gulo!

At ngayon nga rin ang DATE raw namin kuno na sobrang paalala nya kagabi! Mayghad!! Super sya ha! Wagas kung makapagtext para lang di ko makalimutan. Nakakaloka!

Patapos na ako ng may bumusinang kotse na sa labas. Siguro sya na yun. Sabi nya kasi susunduin nya daw ako at sabay na daw kaming pumunta sa birthday party at para na rin naman daw makilala nya ang mga friends ko. Oh diba! Feeling Close si chareng!!!

Lumabas na ako ng bahay. Sinarado ko muna ang pinto baka magkalokohan na eh. Isama nyo na rin ang gate.

Pagkalabas ko ng gate namin, nakita ko kaagad ang nakaparadang black Hyundai Accent sa harap ng bahay namin.

Ang buong akala ko ay si Nike talaga ang laman ng kotse na yun. Pero mali pala ako ng lumabas na ang taong yun sa loob ng kotse.

"Ford? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya na palapit na ng palapit sa akin.

"Susunduin sana kita. Sabay na tayo papunta sa party." Sagot naman nya.

"Uhm...kasi ano ehh..." Hindi ko masabi na may ibang susundo sa akin. Teka nga, bakit ba hindi ko masabi??

"Sige na naman oh! Please!!" Sabi nya at nagpuppy eyes pa.

Ford!! Please stop that!!! Alam nya kasing pagnagpacute effect sya eh hindi ko sya matatanggihan.

"Hayy, sige na nga!" Problema to. Hindi ko alam ang gagawin ko kay Nike. Kung itetext ko ba sya, wala akong load. Kung makikitext or makikitawag na lang ako kay Ford, for sure naiwan nanaman nya cellphone nya. Hindi nya kasi dinadala cellphone nya eh. Haist! Bahala na nga!!

Ilang minuto lang ang byahe at nakarating na agad kami sa pagdadausan ng party.

Simple lang ang preparations na ginawa pero maganda. Alam nyo naman si Ice, ayaw na ayaw ang masyadong bonggang preparations!

Pumasok na kami agad at nakita ko naman ang mag-asawa kasama ang anak nila.

"Hello baby Sceven!!! Happy birthday!" Binigay ko naman sa kanya ang mga regalo kong books saka hinalikan sya. Tuwang tuwa naman ang bata sa mga natanggap nya.

"Happy birthday Sceven!" Bati rin ni Ford saka binigay na rin ang kanyang regalo.

Nakakatuwang nakikita mo ang isang bata na tuwang tuwa sa mga nakikita nya. Tumakbo naman ito sa mga tables saka binuklat agad ang mga librong binigay ko. Toy car din kasi ang regalo ni Ford sa kanya.

"Uy buti dumating kayo! Tsaka di mo naman sinabi na dinala mo rin itong si Ford." Banggit ni Ice sa akin. Kilala nya nga rin pala si Ford dahil nga kaibigan ko rin ito at dati ko pang manliligaw.

"Ay ano...nakisabay lang kasi ako sa kanya eh. Hehe" nagaalinlangan kong tugon. Hindi ko naman kasi masabi na sa iba dapat ako sasabay. Tsaka di naman nila kakilala si Nike eh.

When A Sadist Meets A Gay (BoyXBoy) #COMPLETED BK. IIWhere stories live. Discover now