Trans 9

4.3K 176 5
                                    

Winter's POV

Woooooh! Grabe! Hanggang ngayon nararamdaman ko parin yung adrenaline rush na dumadaloy sa bawat hibla ng buong pagkatao ko. Ang OA ko hahaha.

Grabe di pa ako kinakalawang sa pag f-fire dance.

At dahil nanlalagkit na ako, napag pasyahan ko na bumalik na ako sa room namin at maligo. Ikaw ba naman sumayaw kasama ng apoy, ewan ko lang kung di ka manlagkit at mangamoy gasolina.

Pumasok na ako sa banyo at dumeretso na sa shower.

Ang ganda naman ng banyo dito. Talagang may glass wall pa sa shower at may bath tub pa talaga. Ang laki rin, pwede ng tumira dito.

Sinet ko sa cool yung temperature ng tubig ng shower para kahit papaano eh mabawasan ang hotness ko sa katawan. Hahaha chareng lang!

natapos na ako sa pag sh-shower ko pero parang may kulang? Asan yung tuwalya?

Hinanap ko sa mga lalagyanan dito sa loob kung may spare na tuwalya pero bakit wala!?

"Lintik naman talaga oh!" Inis na sabi ko aa sarili ko.

Sinubukan kong sumilip sa labas ng banyo kung naka balik na si ken, aaaaaaand great! Wala pa sya.

So lumabas ako na totally naked.

Brrrrrr! ang lamig! Naka bukas pala yung aircon!

nakita ko naman agad yung tuwalya sa may cabinet di kalayuan sa may kama ko.

Papunta na ako para kunin yung tuwalya nang biglang.....

----

Ken's POV

Pabalik na kami ng kambal sa kanya kanya naming room. Ang saya ng night life dito sa Bora! Parang hindi ka mauubusan ng gagawin.

Hindi parin mawala sa isip ko si winter na nag f-fire dance kanina. Ang galing nya magsayaw. Di ko inakala na sa itsura nyang yun eh may talento syang natatago. At extreme talent pa talaga.

"Pre! Hoy! Lumagpas ka na sa kwarto mo! Kanina ka pa lutang dyan eh!" Batok sakin ni jaydee

"Oo nga bro! Anu bang problema mo? napapansin ko madalas kang ganyan. Hahaha! Nakatira ka ba ng katol?" Si jaypee naman ang nang asar!

"Pakyu kayong dalawa hanggang pagtanda nyo! Hahaha sige na papasok na ako sa room namin. Kita kits nalang bukas sa seminar!" Paalam ko sa kanila.

Pagbukas ko ng pinto.....

----

Winter's POV

Papunta na ako para kunin yung tuwalya ng biglang......

...

...

...

...

"Anu ba! Nanggugulat ka namang lintek ka eh!" Sigaw ko sa phone ko. Tumunog bigla.

Kinuha ko yung tuwalya at nag tapis. Tinuyo ko na yung katawan ko at buhok ko.

Nagbihis na din ako ng pantulog para preeeeeesko ako later. Hihihi.

Maluwag na sando and short shorts na maluwag!
presko diba?

Di naman ako nag susunod ng bra kapag natutulog, masakit kaya! Naiintindihan nyo ba ako mga readers?! Diba masakit yun?

kinuha ko yung phone ko para tignan kung sino yung nag txt..

From: bhie arra
Bhie kamusta ka na? Kamusta ang bora? Sana naman hindi ka nag lalandi dyan at baka mabuntis ka. Hahaha

Hayup talaga tong bruha na to.

The TransWhere stories live. Discover now