Trans 42

2.8K 103 8
                                    


Winter's POV

Hindi ko alam kung anu tong nararamdaman ngayon at kasama ko si brent. I felt right and wrong at the same time. I dont know why.

Naka sandal lang ako sa gutter ng pool habang sya nag sswimming. Pinagmamasdan ko lang sya at nakikita ko na sobrang saya nya. Bakas na bakas sa muka nya ang kasiyahan.

Ang daming pumapasok sa isip ko ngayon, as in!
Too much information! Gosh!

Paano kaya kung hindi nangyari yung paghihiwalayan namin ni brent?

Siguro pangit ang nilalait parin ako hanggang ngayon.

Siguro hindi ko nakilala si ken.

Siguro kami parin ni brent ngayon.

Haaaay!

"hey, baby. Ang tahimik mo." bulong sakin ni brent na nagpagising sakin mula sa malalim na pag iisip.

Nagulat naman ako ng bigla nya akong higitin at yakapin.

"nakakatakot, kapag tahimik ka at maraming iniisip winter." bulong nya ulit sakin habang nakayakap sakin.

"naisip ko lang brent kung hindi tayo naghiwalay dati. Siguro walang komplikasyon sa ngayon no?" tanong ko sa kanya.

Umikot naman sya at pumunta sa likuran ko at yumakap sya sakin. Dama ko ang init ng katawan nya sa kabila ng malamig na temperatura ng tubig.

"im sorry for what i have done winter." pag hingi nya ng tawad.

"napaisip lang talaga ako brent. Siguro kung tayo padin, pangit padin ako. Siguro, lagi parin akong nabubully, siguro—" hindi ko na natapos ang sasabihin dahil pinutol nya agad yun.

"sssshhhhh dont think about it. Ang mahalaga magkasama tayo ngayon winter. At masaya ako na nakayakap ako sayo ngayon. Kahit na marami kang pinagbago, nasayo padin ang mga matang nagustuhan ko dati pa. Ang mga matang nagpa-ibig sakin." sinsero nyang sabi sakin. Pumunta ulit sya sa harapan ko at hinawakan nya ako mga muka ko upang titigan ang mga mata ko. Parang matutunaw ako sa ginagawa nyang pag titig sakinn " and besides, sobrang nagustuhan ko ang mga pagbabago mo" sabi nya sabay titig sa dibdib ko.

"perveeeeeeeert!" sigaw ko sabay hampas sa kanya.

Napaka sira ulo talaga nitong lalaking to!
Nagtawanan lang kami at naghabulan sa swimming pool.

Hindi ko muna inisip kung anu ang mga pwedeng magyari. Ang mahalaga masaya ako ngayon.

Napagpasyahan namin na umahon na dahil dumidilim na din. Kinuha ko yung tuwalya ko sa bench para makapag banlaw na sa girls shower room. Nilalamig na din kasi ako.

Papasok na sana ako sa shower room pero nakaramdam ako ng paghila sa kanang braso ko.

Si brent.

Sino pa nga ba.

"sabay na tayo mag banlaw, baby." sabi nya sakin.

Goooosh! Anu nanaman ba tong pakulo netong lalaki na to?

"sabay nga tayong mag babanlaw. Ikaw, sa boys shower room. Ako, dito sa girls." sabi ko naman.

"tsk, hindi yun! Sige dyan na nga lang din ako sa girls shower room. Tutal tayo lang dito" sabi nya at ngumisi.

Hinatak naman nya ako sa loob at ipinasok sa isang cubicle. Nakita kong kinuha nya yung tuwalya nya at iba pang kailangan para sa pag babanlaw.

Isasara ko na sana yung cubicle pero naiharang nya agad yung kamay nya.

The TransWhere stories live. Discover now