Chapter 2 : The Revelation

10.5K 377 48
                                    

Sinundan ko si Aeya papasok sa Hall of Truth. Dito nagaganap ang paglilitis ng mga estudyanteng nakakasala. Suki na ako ng Hall of Truth kaya alam ko na ang pakiramdam sa loob.

Pagpasok namin ay agad kong nakita si Professor Aseti. He sits behind the raised desk with his emotionless face. Sunod kong nakita si Prince Ruki na nakaupo sa gitna at pinalilibutan ng mga Juriah. Nakaupo naman sa witness box si Princess Sumi.

Masyadong tahimik at para bang hahatulan na ng panghabambuhay na pagkakulong itong si Prince Ruki.
Nasa likod lang ako ni Aeya at naghihintay sa sasabihin niya.

"Professor Aseti, Prince Ruki is innocent," sigaw nito.

Lahat ng tingin nila ay napadako sa amin. Pati si Professor Aseti ay napaangat ng tingin sa kinaroroonan namin.

"What's your evidence Princess Aeya?"

"I have here with me the culprit, the one who stole the Key of Freedom."

Pagkatapos sabihin ni Princess Aeya iyon ay agad akong lumabas sa likod niya.

The room is filled with gasp and murmurs. And my system is filled with different emotions. I tried to block them but I was too late kaya napapikit nalang ako.

"Princess Lourissa?"

Pagmulat ko ay agad kong nakasalubong ang tingin ni Prince Ruki. Bakas sa mukha nito ang pagtataka.

Naglakad papunta si Aeya sa Crime stand sabay hila sa akin.

Pinatayo niya ako sa gilid ni Prince Ruki at naglakad na naman ito papunta kay Professor Aseti dala-dala ang Key of Freedom.

"What is the meaning of this Princess Lourissa?" tanong sa akin ni Professor Aseti.

Napabuntung-hininga naman muna ako bago nagsalita.

"Hindi po si Prince Ruki ang pumatay kay Mr. Vernon at hindi rin siya ang nanakit Kay Princess Sumi," paliwanag ko at napatingin kay Princess Sumi na hindi mapakali sa kinauupuan niya.

"How did you know?"

"Because I was there."

The room is filled with murmurs again while I was still debating within myself kong sasabihin ko na ba. Napatingin naman ako sa orasan na nasa likod ni Professor Aseti. Malapit na talagang magsimula 'yong paborito kong drama mula sa mundo ng mga mortal.

"Look, Professor Aseti. I was there. I saw everything. At si Mr.Vernon ang nagtangkang pumatay kay Princess Sumi."

"And why were you there Princess Lourissa?" walang bahid na emosyon na sabi niya.

Ganyan talaga si Professor Aseti, walang emosyon at sobrang lamig ng mga titig niya kaya siya talaga ang inatasang humawak sa Hall of Truth.

"I was hiding from Prince Ruki."

"Bakit?"

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Prince Ruki sa kamay ko.

"Ano bang ginagawa mo Lourissa?" galit nitong sabi.

Tinanggal ko naman ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at tiningnan siya ng masama.

"I'm not doing this for you kung iyan ang iniisip mo.."

I turned my head to Professor Aseti who was waiting for my next explanation.

"For personal reason Professor Aserti and I believe this is nothing to do with the case. The most important thing right now is I was there and Mr. Vernon is a Jux and I believe he was a good Jux Professor Aseti. He tried to kill Princess Sumi kasi nakita niya na ninakaw ni Princess Sumi ang Key of Freedom sa kanya. Not the other way, defense lang yon ni Mr.Vernon pero nag iba ang pag-iisip nito nang mainom niya ang dugo ni Princess Sumi."

Crown Academy I : The Truth and The HiddenWhere stories live. Discover now