Chapter 4: Guise and Mayhem

10.6K 363 54
                                    

"Team Superhot? Team Awesome? Team Powerful? O kaya Team in Disguise?"

I live my life like how I changed my clothes everyday and how I eat three times a day with the same meal, the same table and the same person who always served me. For someone who has its own definition of fun, they will always find mine an epitome of plain boredome. My life was never like this. Everything was perfect not until-

"Ah alam ko na Team Hokage," seryoso nitong sabi habang sinusulat ito sa dala niyang notebook.

And I know my tomorrow will never be the same again and probably my next few hours-

"Team-"

"Shut up," sigaw ko sa kanya habang kinukuha ang mga librong nakakalat sa sahig.

Kanina pa 'to nag-iisip ng magandang pangalan daw ng team namin.

"Team Shut Up? Wow, may suggestion ka pala hindi mo man lang sinabi."

"Isa pa ha?" pagpipigil ko sa aking sarili.

"Maganda rin 'yang isa pa ha, pero dalawa tayo eh," he said thoughtfully.

Napabuntung-hininga naman ako at napatayo na. I slammed the books on his chest kaya napaatras ito.

Humarap ako sa kanya at tinitigan siya sa mata. Iniisip ko pa rin kung paano niya nalabanan ang kapangyarihan ko. May lahi ba tong witch? Pero kahit na may panlaban to, tatalab at tatalab parin. O kaya naman pinaglihi to sa-

"Team. Team. Team. Team.." paulit ulit nitong sabi.

Sa sirang plaka? O Palaka?

"Die," bulong ko habang tinitigan ang mga mata niya.

Napaangat naman ito ng kilay at ngumiti ng nakakaloko.

"Die.Die.Die.Die.Die.Die." paulit- ulit kong bulong na mas lalo pang nakapagpangiti sa kanya.

Napailing naman ito at lumapit sa akin. He lowered himself hanggang magkalevel na ang mga mata namin.

"That won't work on me Princess," he smirked.

I poked his chest and I pushed him hard.

"That won't work also on me, Prinsipe."

"I know. And I'm so glad I found you," he smiled at me and those smiles, parang may pinaplano.

"And why are you glad?"

"Kasi naman, may mahahawakan na ako, maaakbayan, hug? O kaya naman holding hands or kaya-"

Hindi ko na siya pinatapos at tinalikuran na siya. I don't have time to entertain his annoying, nonsense and crazy presence.

Pero hindi pa ako nakalayo ay biglang itong umakbay sa akin kaya napahinto ako.

"For example ito-" sabi nito.

"Bitaw."

Any minute from now, No. Any seconds from now baka sasabog na ako at baka hindi ko na mapigilan, ipapatapon ko 'to sa Kabin.

"Sorry, I don't have any plan to let you go yet," sabi niya.

Inalis ko naman ang braso niya pero ang bigat lang talaga. Siniko ko siya kaya napalayo ito konti sa akin. I grabbed that chance at agad lumayo sa kanya. I was now facing him with my furious face at kung pwede lang magsilabasan ang mga usok sa ilong at tenga ko, kanina ko pa ginawa.

"Damot mo naman. Maswerte ka-"

Hindi ko na siya pinatapos pa at agad kong nilapit ang mukha ko sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat pero hindi pa rin ito natitinag.

Crown Academy I : The Truth and The HiddenWhere stories live. Discover now